Mga Palagiang Tampok
Lunes: 2100 - 2200
Mga balita at tampok na usapin, dulang musikal, musika, tula at mga pamamaraan kung paano mapapangalagaan ang ating kapaligiran.
Martes: 1000 - 1100
Mga tanging bahagi para sa kababaihan, bata at matatanda, na may diin sa mga isyung kaugnay ng kalusugan.
Miyerkules:1100 - 1200
Tungkol sa mga aklat, panitikan, at musika. May panauhing dalubhasa at propesyonal at may bahaging talakayang-bayan.
Huwebes: 1000 - 1100
Bukod sa kumpletong balita, mayroon ding detalyadong ulat mula sa Maynila.
Biyernes: 1000 - 1100
Makinig para sa mga balitang pangkomunidad at mga pangyayari sa Sydney at Melbourne, Canberra at Wollonggong. Tuwing ikalawang Biyernes, may tokbak upang talakayin ang mga tampok na usapin na may kaugnayan sa komunidad.
Sabado: 2100 - 2200
Mga pangyayari sa komunidad sa Sydney, Melbourne, Canberra at Wollonggong.
Buhat sa Maynila, nag-uulat si Shirley Escalante ng mga pinaka-huling balita at kaganapan sa Pilipinas tuwing Lunes ng gabi.
Buhat sa Cebu, si Nick Melgar ay nag-uulat naman ng mga balita at kaganapan sa Bisayas tuwing Martes.
At si Allen Estabillo na nasa siyudad ng General Santos ang nag-aabot ng lingguhang balita at kaganapan ukol sa Mindanao
Nag-papalit palit sina Kaye Martin at Anna Theresa Villanueva sa pag-prisenta ng Generation X, Y & Us, ang programa para sa kabataan tuwing Sabadao ng gabi.
Regular na balita, impormasyon at kagiliwan sa inyong wika sa Radyo SBS.