Ang Komunidad na Pilipino sa Australya
Sa panahon ng 300 taon ng pagsakop ng mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, ang katawagang Pilipino ay pantukoy sa mga taong may dugong Kastila.
Ang pambansang wika ay Tagalog, na malawakang gamit sa katimugang rehiyon ng isla ng Luson, kasama ang punong lunsod ng Maynila.
Ang kapuluan ay mayroon pang ibang mga wika, tulad ng Sebuano, Samarnon, at Hiligaynon, na siyang wika sa Mindanao. Marami pang ibang wikang nakakalat sa iba't ibang rehiyon.
Ang wikang Tagalog ay ginawang opisyal na wika noong 1962.
Sa loob ng 20 taon, ang mga Pilipino ay dumayo sa iba't ibang bahagi ng mundo at tinatayang 600,000 na ang umalis sa bayang tinubuan.
Pagdayo sa Australya
Kabilang sa mga unang Pilipino sa Australya ang mga dumayo noong gitnang 1880. Sila ay mga pahinante sa barko, maninisid ng perlas, mangangalakal, at may-ari ng mga bangkang pangisda. Karamihan sa kanila ay nanirahan sa Western Australia at Queensland. Subalit dahil sa patakarang White Australya ay hinigpitan ang pagpasok nila rito.
Ilang dekada lamang ang nakakaraan ay isang maliit na pangkat ng mga estudyanteng dumating sa Australya para mag-aral sa ilalim ng Colombo Plan, ang nagpasyang manatili rito, at sila ang bumuo ng ubod ng pagkuwa'y lumaking populasyon ng mga dayong Pilipino.
Paninirahan
Nang matapos ang patakaran ng White Australia noong gitnang dekada sisenta at dekada setenta, isang bagong salinlahi ng mga migranteng Pilipino ang dumayo sa Australya. Sila ay mga propesyonal at karamihan ay magaan na ang kabuhayan.
Ngayon, ang komunidad na Pilipino ay pumapangalawa sa mga Tsino sa bilis ng paglaki ng populasyon sa Sydney.
Maraming kababaihang Pilipino ang dumating sa Australya bilang tinatawag na mail order bride. Ito ay nagbunga ng trahedya para sa maraming kababaihang nakaranas ng karahasan.
Ayon sa akademikong si Jock Collins at peryodistang si Antonio Castillo, sa kanilang aklat na Cosmopolitan Sydney, ang kasaysayan ng pagdayo ng mga migranteng Pilipino sa Australya ay karanasang pangkababaihan sa kalakhang bahagi..
Binanggit nila ang mga sinaunang datos mula sa simula ng dekadang 1990, na nagpapakitang noong mga panahong iyon ay may halos 20,000 kababaihang Pilipina sa Sydney habang may hindi hihigit sa 14,000 kalalakihang Pilipino.