Coming Up Mon 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

12,000 tonelada ng ammonium nitrate sa pantalan ng Newcastle nagdudulot ng pangamba sa mga residente

A military helicopter trying to put out a fire at the Beirut port after the explosion Source: Getty Images

Nanawagan ang mga residente ng Newcastle na alisin ang nasa 12,000 tonnelada ng ammonium nitrate na nakaimbak sa kanilang port facility matapos ang malakas na pagsabog na naganap sa syudad ng Beirut, Lebanon.

Ang malakas na pagsabog sa Beirut na ikanasawi ng 135 katao ang nagdudulot ngayon ng pangamba sa mga residenteng nakatira sa paligid ng isang pasilidad na pinag iimbakan ng ammonium nitrate sa Newcastle.

Nasa 6,000 to 12,000 tonnelada ng kemikal ang nasa Kooragang Island plant ng mining company na Orica. mas madami ito ng apat na beses kumpara sa nakaimbak sa port facility sa Lebanon. 

Tatlong kilometro lamang ang layo ng planta sa Newcastle CBD o sentro habang 800 metro lang ang layo sa bahay ng ilang residente

Ayon sa Chemical engineer at community campaigner na si Keith Craig, malaki ang magiging pinsala nito sakaling magkaroon ng pagsabog.

Panawagan ng mga residente ng Newcastle na bawasan stockpile level o di kaya ay tuluyan nang ilipat ang planta.

Iginiit naman ng Mining company na Orica na ang kanilang operasyon sa Kooragang Island ay alinsunod sa regulasyon ng mga awtoridad. Sa isang pahayag sinabi ng kumpanya na sumusunod nila ang Risk Assessment criteria ng New South Wales government.

Dahil sa pag-iingat na ito, naniniwala si Dr Gabriel Da Silva, Senior lecturer ng Chemical Engineering sa  University of Melbourne, naniniwala syang mababa ang panganib o kapahamakang dulot nito sa komunidad ng Newcastle.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
12,000 tonelada ng ammonium nitrate sa pantalan ng Newcastle nagdudulot ng pangamba sa mga residente 07/08/2020 05:55 ...
Pagiging aktibo at pagtulong sa kapwa sa gitna ng pandemya: isang grupo ng mga Pinoy nakahanap ng paraan para gawin ito 20/09/2020 17:49 ...
Mga balita ngayong ika-20 ng Setyembre 20/09/2020 09:21 ...
Musika tulay sa koneksyon at kasanayan 19/09/2020 07:32 ...
Mga balita ngayong ika-19 ng Setyembre 19/09/2020 07:57 ...
Mula Corporate manager naging Mompreneur 18/09/2020 30:45 ...
Yaman ng mga bilyonaryo naapektuhan din ng pandemya 18/09/2020 05:43 ...
Hay fever at asthma ngayong Tagsibol 18/09/2020 10:15 ...
Mga tinig ng kababaihan naiipit sa lockdown 18/09/2020 11:56 ...
Pagbawal ng single-use plastic sa SA suportado ng mga Pinoy 18/09/2020 09:06 ...
View More