Omicron variant malamang na mangibabaw na variant ng COVID-19 sa Pilipinas, gaya ng nangyayari sa ibang bansa, ayon sa World Health Organisation.
Bagaman kaunti pa lamang ang genome sequencing results ng naturang variant, nakikita naman ang bilis ng hawaan dito.
Naitala ng Department of Health ang 34,022 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, Huwebes. 237,387 ang bilang ng mga aktibong kaso at 82 ang bilang ng namatay kahapon.
Highlights
- Nasa 47.9 percent ang positivity rate o dami ng nagpo-positibo sa COVID-19, lubhang mataas ito kumpara sa mga nakaraang linggo.
- 28 lalawigan at lungsod ilagay sa Alert Level 3, epektibo nitong Enero 14-31.
- COMELEC, kumpiyansa na hindi na-hack ang kanilang mga server.
Makinig sa SBS Filipino 10 -11 ng umaga araw-araw.
I-Like at Follow sa Facebook