Coming Up Thu 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

$50K 'Health-COVE Project': Pagtulong ng mga Pinoy nars sa Australia sa kapwa mga nars sa Pilipinas

The Health COVE Project conducts a series of online workshops and virtual tools to mentor local academics and public health workers in the Philippines. Source: Filipino Nursing Diaspora Network (FIND)

Sa pondo na halos $50,000 mula sa Australia-ASEAN Council, layunin ng isang grupo ng mga Pilipino nars sa Australia na matulungan ang lokal na sistema ng kalusugan sa Pilipinas na harapin ang mga epekto ng kasalukuyang pandemya.

Binuo ng Filipino Nursing Diaspora Network (FIND) ang Health-COVE Project para matulungan ang mga nars, akademiko at iba pang sangay ng sektor ng kalusugan sa pamamagitan ng mga workshops at online tools para talakayin ang mga hamon na kanilang kinakaharap sa gitna ng pandemya.

"Looking through what’s happening in the Philippines, we see that most of the efforts definitely are being done through the national government and the local government units (LGUs) are still struggling on how to cope with the effects of the pandemic," ani Joemer Maravilla, Health COVE Project Director.

 


Highlight

  • Bukod sa direktang epekto ng pandemya, labis din ang epekto nito sa kabuuang sistema ng kalusugan para sa maraming bansa.
  • Sa Pilipinas, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at patuloy na nahihirapan ang mga local government units (LGUs) na tugunan ang epekto ng mga kasong ito.
  • Binuo ng Filipino Nursing Diaspora Network, isang grupo ng mga nurse sa Australia, ang 'Health-COVE Project', para matulungan ang mga lokal na akademiko, sektor ng pampublikong kalusugan at mga LGUs sa Pilipinas. 

'Health-COVE Project'

Nabuo sa gitna ng pandemya, layunin ng Health-COVE Project na matulungan ang lokal na sistema ng kalusugan sa Pilipinas sa pagharap sa mga panandalian at pangmatagalang epekto ng kasaluyang hamon ng COVID-19.

"Yes, there’s a problem with how to manage COVID-19 screening, detection but we also realised that apart from the direct effects of COVID-19 to the Philippine health system, there are other things around it that is also being affected," pahayag ni Maravilla.

"Yung mga usual implementation ng mga karaniwang health programs in the Philippines is definitely affected."

"Health programs like family planning programs are being affected because of COVID-19; there are also other vaccination programs that had to be put on hold while the government is prioritising COVID-19 measures."

Iba't ibang webinars, online consultation at virtual tools ang inihanda ng grupong FIND para makatulong na makahanap ng paraan para maipagpatuloy ang mga nabanggit na mga programa na ito.

Sa tulong ng pondo na $48,600 na ibinigay ng Australia-ASEAN Council, nagsama-sama ang mga eksperto mula sa pampublikong kalusugan, mental health, health human resource and clinical practice para bigyang-gabay ang mga lokal na akademiko at mga public health workers na kalahok sa proyekto.

Filipino Nursing Diaspora Network
Through online and virtual engagement, Filipino nurses and academics based in Australia and outside the Philippines assist local health systems in the Philippines.
Filipino Nursing Diaspora Network (FIND)

Sa Luzon, ilan sa mga kalahok sa proyekto ang Holy Angel University in Angeles, Pampanga; De La Salle Health Science Institute on Dasmarinas, Cavite; Far Eastern University sa Manila, at Trinity University of Asia sa Quezon City.

Kasama din ang Visayas State University at Ateneo de Davao sa Mindanao.

Sa hanay naman ng mga LGUs ang iba't ibang mga lugar sa Davao sa Mindanao; Wawa sa Rizal at isa din sa Angeles City sa Pampanga.

Ugnayan sa online

Sa kabila ng pandemya, patuloy ang grupo ng Filipino Nursing Diaspora Network (FIND) sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang mga grupo ng mga nars at mga akademiko para lalo pang mapalakas at mapabuti ang kapasidad ng mga Pilipinong nars.

"We need to see the bigger picture how the nurses can play a role not just in leadership but even into facilitating those conversations in the international arena," ayon kay Maravilla, isa ring nurse at researcher na nakabase sa Brisbane, Queensland.

Filipino Nursing Diaspora Network
Experts from relevant fields including public health, mental health, health human resource and clinical practice mentor local academics and public health workers in the Philippines.
Filipino Nursing Diaspora Network (FIND)

"The pandemic has not hindered us in what we are doing to help fellow nurses in the Philippines and around the world. We were able to set our phase using online platforms." 

Umaasa ang grupo ng FIND na simula pa lamang ito ng kanilang proyekto at hangad na higit pa ang kanilang magawa para lalong makatulong sa mga kapwa Pilipinong nurse at sa kabuuang sistema ng kalusugan sa Pilipinas.

Ang Filipino Nursing Diaspora Network ay isang organisasyon na tumutulong sa mga Filipino nurses na nagta-trabaho sa loob at labas ng Pilipinas.

BASAHIN DIN/PAKINGGAN DIN

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
$50K 'Health-COVE Project': Pagtulong ng mga Pinoy nars sa Australia sa kapwa mga nars sa Pilipinas 12/05/2021 38:16 ...
Petisyon para makapasok mga magulang sa Australya inihain sa Senado 16/06/2021 08:16 ...
Pagpasok sa mga 'selective school' sa Australia 16/06/2021 11:42 ...
Mga balita ngayong ika-16 ng Hunyo 16/06/2021 09:49 ...
Melbourne chef nabuwag ang PR plan, lumipat ng Regional WA 15/06/2021 07:17 ...
Mga balita ngayong ika-15 ng Hunyo 15/06/2021 11:13 ...
Mga balita ngayong ika-14 ng Hunyo 14/06/2021 13:28 ...
Atake sa puso: Numero unong sanhi ng pagkamatay sa Australia, eksperto may babala 14/06/2021 06:42 ...
Mga balita ngayong ika-13 ng Hunyo 13/06/2021 04:36 ...
Ika-123 taon ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Australia 12/06/2021 12:10 ...
View More