Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

ACCC: Pinapaliwanag ang mga nagbebenta ng sobrang mahal na RAT kits sa Australia

Signage notifying customers that Rapid Antigen Test (RAT) kits are sold out is seen on the entrance to a chemist in Sydney, Tuesday, January 11, 2022. Source: AAP//Bianca De Marchi

Akyat-baba ang bilang ng mga tinatamaan ng Covid-19 na na-ospital sa buong Australia kaya aminado ang mga awtoridad hindi pa nila alam kung hanggang kailan ang problemang ito. Dagdag pasanin pa ngayon ang walang habas na pagtaas ng presyo ng Rapid Antigen kits kaya inimbestigahan ito ng mga awtoridad.

Ang paggamit ng rapid antigen testing kits sa buong bansa ang isa sa nakikitang solusyon ng gobyerno kasama ng mga negosyante para mapigilan ang pagkalat ng Covid-19,  lalo ngayong mas dumarami ang kaso ng mas nakakahawang Omicron variant.

At dahil sa taas ng demand sa RAT kits, hindi na mapigilan ang pag-akyat ng presyo sa mga tindahan.


Highlights

  • ACCC Chairperson Rod Sims pinapaimbestigahan at pinapaliwanag ang convenient stores, petrol station  at botika na  nagbebenta ng sobrang mahal na RAT kits.
  • South Australia Premier Steven Marshall inaming nakatulong na maging stable ang kaso ng COvid-19 sa kanilang estado matapos gumamit ng RATs lalo na sa Riverland region.
  • NSW Chief Health Officer Kerry Chant muling nanawagan huwag maniniwala sa maling impormasyong nakakalat sa social media.

Makinig sa podcast:

RAT kit pricing 'beyond outrageous': ACCC
00:00 00:00

Bagay na iniimbestigahan ngayon ng Australian Competition and Consumer Commission o ACCC. Ayon sa Chairperson na si  Rod Sims  dapat ipaliwanag ng mga negosyante kung bakit umaabot  sa $500 ang halaga ng dalawang test kit na ibinebenta sa online, pero nasa $11.45 lang ang presyo nito kapag wholesale.

" Nagpadala na kami ng mga sulat  sa maraming malalaking tindahan at pati mga maliliit na tindahan  para magpaliwanag kung bakit sobhang mahal sila magbenta ng RATs."

Dagdag ni Sims,  kabilang sa kanilang gustong magpaliwanag dahil sa taas ng presyo ng ibinebentang RATs ay ang mga convenient stores, botika at petrol stations.

"Marami reports na aming nakalap na may mga bumibili sa tindahan at supplier tapos binebenta ito ng  pira-piraso sa may patong na 20 %  sa presyo. Bawal ito  kaya pina-alam na din namin ito sa Australian Federal Police."

Hindi lang sa NSW at Victoria ang taas ng demand ng RATs, umaabot na din sa South Australia sa may Riverland Region. Dahil sa marami na ang gumagamit nito, ayon kay Premier Steven Marshall mas kontrolado na ng estado, ang pagkalat ng virus sa kanyang nasasakupan.

" Kampante kami sa resulta ng kaso namin at  naging stable ito mula noong ginamit namin ang RATs. Positibo kami na maging maayos ang takbo ng sitwasyon lalo sa mga nasa ospital, ICU at naka-ventilators."

Nagpahayag na din ang Victorian government na umaabot na sa tatlong milyong rapid test kit ang dumating sa estado.

Samantala ayon kay Acting Health Minister James Merlino, nakipag-ugnay na sila sa maraming community organisation na nasa estado  para maabot silang mga indibidwal na kasapi sa multicultural at mga komunidad na napabilang sa magkaibang pananampalataya para himukin  silang magpabakuna laban sa Covid-19.

"Sa ngayon patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa mga komunida at religious leaders para maabot para maabot namin ang lahat ng mga tao para sa edukasyon tungkol sa bakuna at mapaabot din ang ibang serbisyo sa kanila."

Isa sa mga nagbukas ng kanilang organisasyon para tumulong sa gobyerno para maabot ang malalayong komunidad ay ang The Huddle. Isa itong not-for-profit na organisasyon at ayon sa Chief Executive na si Cameron McLeod handa sila sa hamon na posibleng haharapin sa susunod na mga buwan.

"Masaya ang aming pakikipagtuluyang sa gobyerno at ibang sektor sa komunidad. Naka-focus kami sa pagbabakuna sa mga may edad 5-11 years old at nagbibigay kaalaman din sa kanila para makabalik sa normal nilang buhay."

Samantala, sa New South Wales dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga na-ospital dahil sa Covid, muling nanawagan si Chief Health Officer Kerry Chant na huwag basta-bastang maniniwala sa maling impormasyon sa social media  tungkol sa bakuna  kontra Covid-19.

At isa sa ikinabahala ni Dr. Chant sa mga naikalat na maling impormasyon ay ponterya silang mga  buntis, aboriginal at mga magulang.

" Huwag na kayong magpabasa sa mga naka-post sa social media. Kung may mga tanong kayo dumiretso na sa GP, pharmacist  o kaya sa online website ng gobyerno. Sa mga magulang punta na sa National Centre for Immunisation Research."

Sa Queensland,  patuloy naman  ang panawagan ni  Health Minister Yvette D'Ath na magpabooster shots na kung eligible, dahil karamihan sa namamatay sa ngayon sa kanilang lugar ay wala pang third jab o booster shots.

"Huwag nyo ng patagalin ang pagpapabakuna dahil ang virus ay nasa paligid lang, magpabakuna na bago pa mahuli ang lahat. Dapat sumunod sa health protocols para maging ligtas."

Inanunsyo din ni Deputy Chief Minister Nicole Manison na  sasailalim sa pitong araw na lockdown ang lugar sa Northern Territory  na nasa gawing hilaga  teritoryo na Galiwin'ku at Elcho Island. Habang  tatlong araw ding sasailalim sa lockdown ng tatlong araw ang mga residente sa Yirrkala.

" Nasa malalayong lugar na ito at maraming tayong mga kababayan dun na may samut-saring pangangailangan  at dahil dito isasailalim ang mga resideteng ito sa  7 araw na lockdown."

Para sa karagdagang impormasyon, tulong at suporta ngayong may pandemya sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus.

 

 

 

 



Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
ACCC: Pinapaliwanag ang mga nagbebenta ng sobrang mahal na RAT kits sa Australia 18/01/2022 07:05 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Mayo 24/05/2022 11:12 ...
Magkakaibang nanalong kandidato babaguhin ang mukha ng parlyamento 24/05/2022 05:07 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng ating mga kababayan sa katatapos na pederal na halalan? 23/05/2022 09:45 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Mayo 23/05/2022 08:03 ...
Anthony Albanese nakatakdang maging ika-31 na punong ministro ng Australia 22/05/2022 05:00 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Mayo 22/05/2022 08:22 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Mayo 21/05/2022 06:28 ...
Mga paraan upang mapabuti ang kalusugan 20/05/2022 06:21 ...
View More