Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Alamin ang tensyonadong eksena ng protesta sa Melbourne

People are seen during a demonstration outside the Victorian State Parliament in Melbourne, Tuesday, November 16, 2021. Source: AAP/Joel Carrett

Nabalot ng tensyon ang ginawang protesta sa Melbourne, matapos pinuna ang ginawang aksyon bilang pagtutol sa binubuong pandemic legislation para sa Victoria.

Dinaan sa protesta ng mga residente sa labas mismo ng Victoria State Parliament ang kanilang pagtutol sa binubuong pandemic legislation ng estado.

Ibinalandra pa ng mga ito ang isang wooden gallow o karo na may kadena at may ibinitay sa sentro ng melbourne, bagay na hindi sinang-ayunan ng maraming nasa pwesto.

Ikinatatakot kasi ng mga residente na dahil sa batas na iyon ay posibleng maabuso ng punong ministro at health minister ang kanilang kapangyarihan at tuluyan ng mawala ang kalayaan ng mga residente ng estado.


Highlights

  •  Victoria Premier Daniel Andrews umaasang papasa ng upper house ang batas nitong linggo.
  • Chief Minister Michael Gunner nagsabing ang lockdown sa Katherine sa NT ay palalawigin hanggang  22 ng Nobyembre ng gabi.
  • Indigenous vaccination rates ng bansa ay mababa na umabot sa 58 % ng kabuuang Aboriginal population ng Australia.

Depensa ni Victoria Health Minister Martin Foley, matapos ang ginawang konsultasyon, may mga inamyendahang pagbabago.

"Marami ang binago gusto ko ipaalam na prioridad ng gobyerno ang pagpapahalaga sa karapatang pantao at bigyan ng pantay na pagkakataon ang  lahat sa batas na iyon."

Pero hindi kombinsido si ombudsman devorah glass, dahil posible pa din umanong aabusuhin ito ng mga nakaupo sa pwesto.

"Hindi mo maalis sa mga tao na mag-isip ng ganito kasi wala naman ibang mangangasiwa sa estado sila din kung sino ang naka-upo ngayon, kaya takot ang tao na mawalan ng karapatan at kalayaan."

Sa kabila nito umaasa si Victoria Premier Daniel Andrews tuluyan ng maipasa ang batas sa upper house ngayong linggo.

Dagdag nito wala umano syang pakialam sa opinyon ng tumututol lalo’t ang batas ay para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.

At wala umano itong panahon upang makinig sa mga sentimento nilang hindi pa bakunado.

"Ayoko ng makisawsaw sa gusto ng mga tao na kagaya nilang tumututol sa batas na ito, ang importante sa akin gagawin ko ng tama ang aking tungkulin para sa nakararami dito sa Victoria."

Samantala hindi lang silang mga nasa pwesto ang nakapuna sa pag uugali ng mga nag protesta, pati si Opposition leader Matthew Guy, kinundena ang pinakitang maling aksyon ng mga ito.

Bagkus hinimok nito ang lahat na makiisa para sa pagbangon ng estado mula sa pagkadapa dahil sa pandemya,

"Buong linggo na akong nagbigay na payo sa kanila na dapat umayos sila, kahit pa maganda ang hangarin at taliwas yong iba.Nabahiran pa din ng hindi maganda ang kanilang ginawa."

Habang patuloy ang debate sa binubuong batas, nakapagtala ang estado ng 797 na kaso ng Covid-19 at 8 ang nadagdag sa mga namatay, pero business as usual pa din ang estado.

Taliwas naman ang sitwasyon sa Northern Territory dahil isinailalim sa lockdown ang lugar sa Robinson River at Greater Katherine matapos ang dalawang naitalang kaso ng Covid-19.

At nadagdagan pa ito kaya umabot na sa syam ang kaso, karamihan sa kasong nadagdag ay mga First Nations people .

Isa sa pinakaunang tinamaan ng virus ang kapatid mismo na babae ni Senator Malarndirri Mccarthy. 

"Sana'y magpabakuna na tayong lahat at makipag-ugnay sa mga health workers na nasa paligit natin. Kailangan nating alagaan ang isa't-isa at para sa nagpakalat ng maling impormasyon hindi kayo nkakatulong."

Ayon kay Chief Minister Michael Gunner, mananatili ang lockdown ng Katherine sa Nobyembre 22.

"Ang buong teritoryo nagtutulungan para sa lahat ng mga taga-Katherine. Mandatory na magsuot ng masks kapag kailangang lumabas ng bahay hanggang Nobyembre 22 ng gabi."

Sa ngayon, mababa pa din ang double dose indigenous vaccinations rates na umabot lang sa 58 per cent sa kabuuang Aboriginal population mula edad 16taong gulang pataas.

Samantala sa Australian Capital Territory, 12 ang panibagong naitalang Covid-19 na kaso kahapon.

Sa South Australia naman isasailalim sa mandatory vaccination silang mga guro at ibang educators para patuloy na makapagturo sa susunod na taon.

Habang sa New South Wales, 212  ang tinamaan ng virus kahapon habang dalawang lalaki ang namatay.

Para sa karagdagang impormasyon at suporta laban sa coronavirus sa inyong wika. Bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus.

 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Alamin ang tensyonadong eksena ng protesta sa Melbourne 17/11/2021 06:09 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Enero 22/01/2022 05:49 ...
Ilang botika sa Pilipinas nagtuturok na ng COVID-19 booster shots 21/01/2022 05:03 ...
Mga problema sa buhok nakakawala ng kumpiyansa sa sarili ayon sa survey 21/01/2022 10:33 ...
Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Australya, lumampas na ng dalawang milyon 21/01/2022 05:43 ...
Pinay Footballer, pangarap na makapasok ang Pilipinas sa World Cup 21/01/2022 08:06 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Enero 21/01/2022 08:12 ...
WHO: Hindi pagkakapantay-pantay sa pagkuha ng bakunang gamot pinakamalaking banta ng Covid-19 sa buong mundo 20/01/2022 07:04 ...
Ano nga ba ang mga benepisyo ng pagiging dual citizen sa gitna ng pandemya? 20/01/2022 07:04 ...
Maliliit na negosyo umaaray sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya 20/01/2022 03:59 ...
View More