Coming Up Sat 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Alamin ilang daang libong Australians nangangailangan ng mas abot-kayang bahay na matutuluyan

Source: SBS

Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto na isa sa malalang epekto ng pandemya ay ang kakulangan o shortage ng abot-kayang bahay na ma-uupahan sa buong Australia. Kaya panawagan ng ilang institusyon, tugunan ng gobyerno ang problema bago pa dumami ang mga Australians na nasa lansangan.

Natanggap sa kanyang inaplayang trabaho si Keagan Nicotra bilang security officer kaya laking saya nito dahil unti-unti nang gumaganda ang takbo ng kanyang buhay.

Pero panandalian lang pala dahil nagkapandemya.


Highlights
  • Ayon kay Australian Council of Social Service chief executive Dr Cassandra Goldie, umaabot sa 400,000 pamilya sa buong Australia ang nangangailangan ng abot-kayang bahay na matutuluyan.
  • Federal Housing minister dumepensa na higit 9 bilyong dolyar ang ginagastos ng gobyerno para sa pabahay kada taon.
  • Nanindigan si Michael Sukkar pangunahing responsibilidad ng bawat gobyerno ng estado at teritoryo na tugunan ang pangangailangan ng mga residente sa pabahay  para hindi ito sa kalsada matulog.

"Mahirap dahil nagkaron ako ng isang shift mula noong maglockdown noong Marso 2020,“ masakit na kwento ni Keagan.

Kaya pahirapan ang pagbayad sa renta ng kanyang  bahay na itnutuluyan.

"Dahil dun halus wala akong makakain. Dalawang araw na akong walang kinakain.”

Dagdag pa nito hindi pa disente ang narerentahang bahay.

"Sira na ang tiles, kaya nasugatan ako sa paa. Sira din ang kubeta, ang dingding ng shower parang matutumba na .”

Ang bente-nuebe anyos na si Keagan ay hindi nag-iisa. 

Dahil lumalabas sa ginawang pag-aaral ni Professor Hal Pawson,  mula sa New South Wales  dahil sa pandemya, nararanasan ng estado ang kakulangan ng abot-kayang bahay na  ma-uupahan ng mga residente.

"Ang renta ng bahay dito sa Australia ay biglang pumalo sa pinakamataas na presyo nitong taon.”

At ito ang tinaguriang pinakamataas na biglang pag-palo ng renta sa nakaraang labing tatlong taon.

Sa ngayong umaabot sa 22 percent ang increase ng renta ng bahay mula noong nakaraang taon. Kabilang sa mga naapektuhan ng  biglang pagpalo ng presyo ng renta ay mga naninirahan sa regional areas ng bansa  pati ang mga naninirahan sa labas ng Sydney at Melbourne.

Dahil  dito, nanawagan si Captian Stuart Glover ng Salvation Army na tutukan ng gobyerno  na punduhan ang paggawa ng humigit kumulang 20,000 na bagong pabahay, taasan ng 50 porsyento ang rental assistance sa mga residente na  may low income at gumawa ng  bagong investment incentive para makagawa ng abot kayang pabahay o housing.

“Ang Sustainable, segurado at ligtas na pabahay ang isa sa mga problema na dinadaing sa amin at isipin natin mga tao ito hindi hayop, na kailangan nila ng matutuluyan araw-araw.”

Sabi ni Australian Council of Social Service chief executive Dr Cassandra Goldie, umaabot sa  400,000 pamilya sa buong Australia ang nangangailangan ng disente at abot-kayang bahay.

“Nakikita natin na maraming estado at teritoryo ang gumagawa ng paraan pero ngayon kailangan natin ang gobyero ng Australia ang gumawa ng aksyon sa problemang ito.”

Pero depensa ng Federal Housing minister, ginagawa ng gobyerno ang lahat para bigyan ng pabahay ang mga Australians. At umabot umano sa higit  9  bilyong dolyar ang ginagastos nito kada taon para sa pabahay, upang maiwasan na mapunta ang mga residente sa kalsada  dahil sa walang matutuluyan.

Sa kabila nito, nanindigan si Michael Sukkar pangunahing responsibilidad ng gobyerno ng bawat estado at teritoryo na tugunan ang problema sa  pabahay at tulungan ang mga residente nito para hindi mapunta at  matulog sa mga lansangan.

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Alamin ilang daang libong Australians nangangailangan ng mas abot-kayang bahay na matutuluyan 30/11/2021 05:05 ...
Ilang botika sa Pilipinas nagtuturok na ng COVID-19 booster shots 21/01/2022 05:03 ...
Mga problema sa buhok nakakawala ng kumpiyansa sa sarili ayon sa survey 21/01/2022 10:33 ...
Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Australya, lumampas na ng dalawang milyon 21/01/2022 05:43 ...
Pinay Footballer, pangarap na makapasok ang Pilipinas sa World Cup 21/01/2022 08:06 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Enero 21/01/2022 08:12 ...
WHO: Hindi pagkakapantay-pantay sa pagkuha ng bakunang gamot pinakamalaking banta ng Covid-19 sa buong mundo 20/01/2022 07:04 ...
Ano nga ba ang mga benepisyo ng pagiging dual citizen sa gitna ng pandemya? 20/01/2022 07:04 ...
Maliliit na negosyo umaaray sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya 20/01/2022 03:59 ...
Mga balita ngayong ika-20 ng Enero 20/01/2022 07:53 ...
View More