Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Alamin kung bakit ginagamit ang Greek Alphabet sa pangalan ng Covid-19 variants

Pool of Bethesda in Jerusalem. Greek inscriptions. Source: Getty Images Stone RF

Bukang bibig ngayon sa buong mundo ang sinaunang Greek alphabet mula Alpha hanggang Omicron. Alamin kung bakit ginagamit ng World Health Organisation ang Greek Alphabet sa Covid-19 variants.

Sikat  sa buong mundo ang Greek alphabet matapos hinango sa mga letra nito  ng World Health Organisation ang variant ng Covid-19.

At pinag-uusapan ngayon ng lahat  ang mas nakakahawang Omicron variant.


Highlights

  • May pitong variants na nadiskubre ang WHO, kinabibilang ng Alpha, Beta, Gamma, Delta and Omicron ang variants of concern habang variants of interest naman ang Lamda and Mu.
  • Ayon sa isang Professor ng Ancient History na si Ian Worthington ay para mawala ang stigma o dungis ng mga bansa kung saan unang nadiskubre ang variant. 
  • Ginagamit ng WHO ang Greek letters, kapag variant of concern at variant of interest ito, ibig sabihin mas mabilis nakakahawa, mas mapanganib at may posibilidad na di tatalab ang bakunang gamot.

Makinig sa podcast

An ancient alphabet having a modern moment
00:00 00:00

Kaya may babala  si  World Health Organisation Director General Tedros Ghebreyesus.

"Hindi natin inaasahan na ang Omicron ay nakakahawa ng ganito katindi at mapanganib, kaya nababahala kami dahil parang binabaliwala ng mga tao ito, ang totoo sobrang mapanganib ang Omicron variant."

Paliwanag ng WHO nasa  pitong   “variants of concern” at  “variants of interest” pa ng mutation ng Covid-19 ang kanilang natuklasan at lahat sila ay pinangalan sa letra ng Greek alphabets.

Kabilang sa variants of concern ay ang Alpha, Beta, Gamma, Delta and Omicron  at ang variants of interest naman ang Lamda at Mu.

Ayon sa isang Professor ng Ancient History na si Ian Worthington dalawang rason kung bakit ginagamit ng WHO ang Greek alphabet sa mga nadikubreng variants.

"Isang tradisyon na ang paggamit ng Greek letters sa maths at science mula noong unang panahon. Ang sinaunang Greeks ang nagsimulang gumamit pi, sigma, at alpha na hanggang ngayon ginagamit natin."

Isa sa mga rason sabi ni Worthington  ay para mawala ang stigma o dungis ng mga bansa kung saan unang nadiskubre ang variant.

"Lahat nagsasabi COVID, China or COVID, Brazil or COVID, kahit saan man nadiskubre ang variant, sa totoo lang nakakasira ng pangalan ng bansa kaya sa paggamit ng Greek letters wala ng mag-iisip ng mali at naiintindihan agad."

Ang sinaunang Greek alphabet,  ay mula sa Phoenician alphabet, at gumagamit ito ng simbolo at letra para sa katinig at patinig o consonants at vowels sa ika-8 o 9 na siglo.

Sa ganun ding panahon gumawa ng mga pagbabago sa paksa sa maths at science ang sinaunang Greeks  kung saan bahagi ang Greek alphabet.

Ayon kay Professor Alexandra Martiniuk na isang eksperto sa  epidemiology  mula University of Sydney. Lahat ng  Covid-19 ay may scientific name, tulad ng variant na nadiskubre mula India ay hindi  na tinatawag na B1.1.6.7.2 dahil ang scientific name ay Delta, na syang pang-apat na letra sa Greek alphabet.

Dagdag nito nagiging madali din ang komunikasyon kaya ginagamit itong sistema ng mga awtoridad.

"Hirap gamitin ng lahat ang komplikadong pangalan o scientific names, at pinipili din namin na hindi magamit ang pangalan ng tao, bansa o pangalan ng lugar, kaya nag-iingat din kami sa paggamit ng ancient Greek alphabet."

Paliwanag pa nito maraming pagbabago o mutations ang Covid-19 pero hindi lahat ng variants pinangalanan, dahil seguradong mauubusan ng letra ang Greek alphabet. Pinangalanan lang ng WHO ang mga variants na tinaguriang “variants of concern at variants of interests”.

Dahil ang variants na ito ay mas mataas ang potensyal na nakakahawa, mas mabagsik at may potensyal din na hindi tumatalab ang bakunang gamot.

Saad din nito ayaw din ng WHO na malito ang tao, kaya may pagkakataon na hindi ginagamit ang ibang letra sa Greek Alphabet.

"Ang mga letra kasi dun may xi, o kee, at karamihan sa ganun na word ay kapangalan ng mga taga-Tsina at ayaw namin madungisan o ma-stigmatise ang mga tao. Ibang Greek letters ginamit na sa pangalan ng bagyo, baka malito ang tao kaya naghahanap kami ng maigi dun sa Greek alphabet din."

Ani Professor Martinuik, dahil bente-kwatro lang ang letra ng Greek alphabet at kapag dumami ang variants na dapat pangalangan, inisip ng WHO na maaring gamitin ang sinaunang Greek gods pero lumabas na mas nakakalito at hirap pang sabihin o i-pronounce ang pangalan, gaya ng ng Zeus, Poseidon, Artemis, Athena at Aphrodite.

"kapag ubos na ang Greek alphabet, sa pagkakaalam ko gagamit ang WHO ng pangalan ng bituin o star names. At para maiwasan ang pagkalito hindi nila gagamitin ang mga pangalan na ginamit na."

Sa ngayon, hinikayat ng WHO ang media at mga bansa sa buong mundo na gamitin ang Greek alphabet na pangalan ng variant ng Covid-19. Pero paalala nito may technical terms na kanilang ginagamit para sa patuloy nilang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa virus na patuloy na   humahamon sa buong mundo.

 

 

 

 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Alamin kung bakit ginagamit ang Greek Alphabet sa pangalan ng Covid-19 variants 21/12/2021 07:05 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Mayo 24/05/2022 11:12 ...
Magkakaibang nanalong kandidato babaguhin ang mukha ng parlyamento 24/05/2022 05:07 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng ating mga kababayan sa katatapos na pederal na halalan? 23/05/2022 09:45 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Mayo 23/05/2022 08:03 ...
Anthony Albanese nakatakdang maging ika-31 na punong ministro ng Australia 22/05/2022 05:00 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Mayo 22/05/2022 08:22 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Mayo 21/05/2022 06:28 ...
Mga paraan upang mapabuti ang kalusugan 20/05/2022 06:21 ...
View More