Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Ano ba ang proseso sakaling makatapak na sa Australya matapos maaprubahan ang visa at travel exemption?

Filipinos in Australia await for their parent's arrival after visa and travel exemption approval. Source: Joy Caguimbal

Matapos ianunsyo na kabilang na ang mga magulang ng Australian citizens at permanent residents na papayagang makapasok ng bansa ay marami ang nag-apply na at aprubado na pero nangangamba sa pagpasok ng mga magulang na walang kasama sa flight. Ano nga ba ang dapat gawin at proseso sakaling makatapak na sa Australia?

"Syempre excited ako. Wala pang November 1 inapply ko na yung travel exemption, consider na nila na wala payatang one week bago ko nareceive ung exemption ko parang 5 days lang yata. Kinabukasan nun naexempt na sila."

Matinding saya ang nararamdaman ni Joy Caguimbal, isang Filipino-Australian sa Ballarat, Victoria sa balitang aprubado na ang visa at travel exemption ng mga magulang.


Highlights 

  • Ayon sa registered migration agent na si Em Tanag, kailangan mag-sumite muna ng tourist visa application bago ang travel exemption.

  • Victoria, New South Wales at Australian Capital Territory ang pinapayagang pumasok sa Australia ng wala nang quarantine basta fully vaccinated.
  • Payo ni Chris Centeno, managing director ng my travel solution sa lahat ng mga papasok ng Australia na masusing basahin ang lahat ng rules and restrictions ng bawat destinasyon kabilang ang mga lay-over sa mismong mga website nito o tumawag sa nakalaang hotline.


Pakinggan ang podcast

Ano ba ang proseso sakaling makatapak na sa Australya matapos maaprubahan ang visa at travel exemption?
00:00 00:00

Natanggap din ni Joy kasabay ng ticket ang mga guidelines na dapat sundin gaya ng negatibong PCR test, 72 hours bago ang flight. 

Sa kasalukuyan, ang Victoria, New South Wales at Australian Capital Territory ang pinapayagang pumasok sa Australia ng wala nang quarantine basta ikaw ay fully vaccinated.

Aprubado ng Therapeutic Goods Administration ang AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sinovac, Sinopharm, Bharat at Johnson and Johnson vaccine. 

Sa iba pang estado gaya ng Queensland, South Australia, Tasmania, Western Australia, kinakailangan pa ang labing-apat na araw na quarantine sa nominadong hotel ng estado at ikaw mismo ang magbabayad.

Sasailalim din sa covid tests habang nasa quarantine hanggang matapos ito. Dapat ding mag-apply ng international o cross border arrival registration na iba-iba bawat estado.

Payo ni Chris Centeno, managing director ng my travel solution sa lahat ng mga papasok ng Australia na masusing basahin ang lahat ng rules and restrictions ng bawat destinasyon kabilang ang mga lay-over sa mismong mga website nito o tumawag sa nakalaang hotline.

"For returning to Australia if you are fully vaccinated you do not have to quarantine upon return however, when you arrive at your port of entry or international gateway either Sydney or Melbourne, you must still return a negative PCR test."

Isa lang si Joy sa mga Pinoy na nangungulila sa mga mahal sa buhay at nais makapiling lalo pa’t magpapasko.

Kaya malaki ang pasalamat nya sa pagbubukas ng Australia sa tsansang muling makapiling ang mga magulang.

 

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Follow us on Facebook for more stories

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Ano ba ang proseso sakaling makatapak na sa Australya matapos maaprubahan ang visa at travel exemption? 18/11/2021 07:44 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Enero 22/01/2022 05:49 ...
Ilang botika sa Pilipinas nagtuturok na ng COVID-19 booster shots 21/01/2022 05:03 ...
Mga problema sa buhok nakakawala ng kumpiyansa sa sarili ayon sa survey 21/01/2022 10:33 ...
Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Australya, lumampas na ng dalawang milyon 21/01/2022 05:43 ...
Pinay Footballer, pangarap na makapasok ang Pilipinas sa World Cup 21/01/2022 08:06 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Enero 21/01/2022 08:12 ...
WHO: Hindi pagkakapantay-pantay sa pagkuha ng bakunang gamot pinakamalaking banta ng Covid-19 sa buong mundo 20/01/2022 07:04 ...
Ano nga ba ang mga benepisyo ng pagiging dual citizen sa gitna ng pandemya? 20/01/2022 07:04 ...
Maliliit na negosyo umaaray sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya 20/01/2022 03:59 ...
View More