Inalatag ng isang Registered Migration Agent ang mga inaasahang oportunidad sa larangan ng immigration ngayong 2022.
Inaasahan ng Registered Migration Agent na si Gloria Collins mula Brisbane ang muling pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa larangan ng immigration ngayong 2022.
Base sa mid-year economic update ng Treasury na inilabas noong Disyembre, tinatayang aakyat sa 180,000 ang inaasahang bilang ng overseas migration ngayong 2022 hanggang 2023.
Listen to the podcast here:
Highlights
- Nanatili sa 160,000 ang pupunang bilang para sa 2021-22 migration program.
- 7.600 ang nakaalan sa skill stream, 77,300 naman sa family, 100 sa special eligibility at 3,000 para sa mga bata
- Sa kasalukuyan, bukas ang Australia sa mga citizen nito, permanent residents at maaring kumuha ng eksempsyon ang mga immediate family member.
- Gayundin bukas ang bansa sa mga eligible international students at ilang skilled visa holders
Payo ni Gloria na samantalahin na habang bukas ang border sa ngayon kung may planing mag-apply ng visa,
"There’s lot of opportunities lalo na sa mga Filipino healthcare workers mga engineers, hospitality, chefs at mga cooks, if you look at mga na-affect dahil sa border closure, maraming restaurant na naghahanap ng chef at cook kasi walang international students wala for nearly 2 years so maraming opportunities for them, registered nurses marami ding opportunity yan but as I said no, use the opportunity while the border is closed to prepare for your English and yung mga nasa skilled occupation list, they can start on by preparing their skill assessment."