Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

'Anong Bata Ito' sumasalamin sa tunay na dahilan ng pagdiriwang ng Pasko

Singer/artist Jinky Marsh sang 'Anong Bata Ito', a Filipino translation of the song 'What Child is This' by lyricist William Chatterton Dix. Source: Supplied by Kevin Bathman

Pinagsikapan ng actor-singer mula Sydney na si Jinky Marsh na maisalin ang awiting "What Child is This" sa wikang Filipino upang bigyang-diin ang tunay na dahilan ng pagdiriwang ng Pasko.

Bilang bahagi ng kauna-unahang multicultural album na 'Sound of Christmas from Asia Pacific", hangad na pagyamanin ang iba't ibang kultura na mayroon ang Australia.

Naniniwala si Jinky na "[M]agandang panimula ito lalo na para sa mga Pilipino-Australyanong mang-aawit na makasali sa main stream na mga proyekto at ibahagi ang nakaugalian ng mga PIlipino kapag Pasko," anang artist na isa ring translator.

 


Highlight

  • Awiting 'Anong Bata Ito" tampok ang tunay na dahilan sa likod ng Pasko.
  • Masayang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino.
  • Tradisyong Pasko, paraan para maipasa ang kultura sa susunod na henerasyon.

Pakinggan ang podcast

'Anong Bata Ito' sumasalamin sa tunay na dahilan ng pagdiriwang ng Pasko
00:00 00:00

'Anong Bata Ito'

Para sa theatre artist at singer mula Sydney, naayon ang kanyang pagkanta sa isinalin na awiting "Anong Bata Ito", ito aniya ang angkop na kanta para sa pagdiriwang ng Pasko. 

"Wala akong nahagilap na eksaktong pagsasalin sa original na English song na What Child is This, kaya pinilit ko talaga na matapos ang pagsasalin sa kanta," kwento ni Jinky na isa ring storyteller, vocalist at translator.

Isinulat ni William Chatterton Dix ang English lyrics ng awitin noong 1865. 

Hindi umano siya nahirapan sa kanyang pagsasalin sa kanta lalo na't patungkol ito sa paniniwalang Kristiyano.

"Kasalukuyan akong nagsasalin ng mga buod ng mga aklat ng Bibliya para sa isang Diocese sa Hornsby area at para sa isang grupo na nagpapalaganap ng pagbasa ng Banal na Aklat.

Ang 'Anong Bata Ito' ay isa sa walong awitin na kasama sa 'Sound of Christmas from Asia Pacific' album. Hangad nito na pagsamahin sa isang proyekto ang multikultural na komunidad ng Australia.

 

Selebrasyon ng Paskong Pinoy

Setyembre pa lamang nagsisimula na ang maraming pamilyang Pilipino sa  pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan bilang paghahanda sa Pasko.

Pero sa paniniwalang Kristiyano, ang kapanganakan ng batang si Hesus ang sentro ng pagdiriwang tuwing Disyembre.

Kasama sa mga tradisyong pang-simbahan, ang sama-samang pagdalo ng mga Pilipino sa Simbang Gabi.

"Una dapat sa ating pagdiriwang ang pagsisimba at hindi lang pagbibigay ng regalo ang mahalaga," ani Jinky.

Mahalaga din aniya ang magkakasama at pagsasalo-salo ng magkakapamilya sa tuwing Pasko.

Sound of Christmas from Asia Pacific
'Anong Bata Ito' sang by Jinky Marsh is one of eight songs included in the City of Sydney's first multicultural Christmas album 'Sound of Christmas from Asia Pacific'.
Supplied by Kevin Bathman

Henerasyon sa henerasyon

Binago man ng pandemya ang mga selebrasyon ng Pasko sa nakalipas na dalawang taon, mahalaga na maipasa sa mga bagong henerasyon sa tunay na diwa ng Pasko.

"Kailangan na maibahagi sa ating mga anak ang tunay na kahulugan ng Pasko. Hindi lamang ito mga regalo na ating natatanggap – kundi kapayapaan ng ating kalooban,"  pagbibigay-diin ni ginang na masayang ipasa sa kanyang dalawang anak ang tradisyong Pinoy.

"May mga hindi man magandang nangyari sa buhay ng mga tao, kailangang magpasalamat tayo sa buhay na mayroon tayo," dagdag ni Jinky.

"Napakarami nating dapat pasalamatan at isa na dyan ang Pasko dahil ito ang panahon na isinilang ang batang ipinagdiriwang natin," aniya.

Umaasa din si Jinky na magkaroon pa ng ibang proyekto sa mga susunod na taon na magsasama ng iba't ibang awiting multikultural at sana'y maitampok din ang mga ito sa mas malawaka na pagdiriwang ng Pasko sa Australia gaya na lamang ng taunang Carols in the Domain sa Sydney.

"Sa ganitong paraan, maipapakita at maiparamdam sa mga migrante na sila’y parte ng komunidad Australia."

At kahit pa man matagal na siya sa Australia, mahalaga ani Jinky na "maipagpatuloy na maipasa sa ating mga anak ang kahalagahan ng pagdiriwang kasama ang ating pamilya." 

BASAHIN DIN

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
'Anong Bata Ito' sumasalamin sa tunay na dahilan ng pagdiriwang ng Pasko 21/12/2021 22:00 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Mayo 24/05/2022 11:12 ...
Magkakaibang nanalong kandidato babaguhin ang mukha ng parlyamento 24/05/2022 05:07 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng ating mga kababayan sa katatapos na pederal na halalan? 23/05/2022 09:45 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Mayo 23/05/2022 08:03 ...
Anthony Albanese nakatakdang maging ika-31 na punong ministro ng Australia 22/05/2022 05:00 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Mayo 22/05/2022 08:22 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Mayo 21/05/2022 06:28 ...
Mga paraan upang mapabuti ang kalusugan 20/05/2022 06:21 ...
View More