Coming Up Thu 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Australia at iba pang bansa, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas matapos ang insidente sa West Philippine Sea

China claims most of South China Sea Source: Getty/AFP

Ikinabahala ng maraming bansa ang naganap na insidente sa Ayungin Shoal kung saan dapat umanong kilalanin at igalang ang 2016 arbitral victory ng Pilipinas

Nagpahayag ng pagkabahala ang Australia sa naganap na insidente sa Ayungin Shoal. Binigyang diin ni Australian Ambassador to the Philippines, Steven Robinson, ang patuloy na pakikipagtulungan ng Australia sa Pilipinas ukol sa maritime issues. 

" Australia has consistently expressed support for the UNCLOS, the 2016 South China Sea Arbitral Award and an open and inclusive region. We continue to work with and support our PH partners on maritime issues and are concerened with the recent destabilising incidents in the SCS."


 

Highlights

  • Nagpahayag ng suporta sa Pilipinas at pagkabahala ang Australia, US, Japan, France, Germany at UK kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal
  • Naganap ang pagharang at pagbomba ng water cannon sa mga bangka ng Pilipinas sa  loob  ng exclusive economic zones at continental shelf
  • Patuloy naman na magbabantay ang mga sundalong Pilipino at magpapatrolya ang mga barko at eroplano ng Pilipinas sa West Philippine Sea ayon sa AFP

 

Base sa pahayag ng Estados Unidos nitong Biyernes, nananatili umano itong kaalyado ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea o West Philippine Sea.

"The United States stands with our ally, the Philippines, in the face of this escalation that directly threatens regional peace and stability," ayon kay State Department spokesman Ned Price.

Tinutulan din ng Japan ang mga pagtatangka na guluhin ang status quo sa region’s waters.

Matatandaan na hinarang at binomba ng water cannon ng tatlong Chinese Coast Guard vessels ang dalawang bangka ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa Ayungin Shoal noong ika 16 ng Nobyembre.

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Australia at iba pang bansa, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas matapos ang insidente sa West Philippine Sea 22/11/2021 02:00 ...
Dark sky tourism: Alamin kung saan maaring mag-stargazing sa Australia 19/01/2022 10:07 ...
Australian Coach ng Philippine Women's National Football Team, hanga sa Pinay Footballers 19/01/2022 06:52 ...
Mga residente hinihikayat na magpa-booster shot matapos maitala ang pinakamataas na bilang ng mga namatay sa COVID 19/01/2022 05:20 ...
Mga balita ngayong ika-19 ng Enero 19/01/2022 09:13 ...
Sari-saring karanasan ng mga bagong salta sa Australia 18/01/2022 05:08 ...
Paano nga ba gawing lehitimong negosyo ang aking napagkakakitaang hobby? 18/01/2022 11:11 ...
Mga balita ngayong ika-18 ng Enero 18/01/2022 09:44 ...
ACCC: Pinapaliwanag ang mga nagbebenta ng sobrang mahal na RAT kits sa Australia 18/01/2022 07:05 ...
Pangako ng magandang kinabukasan sa rehiyonal NSW para sa isang dating Pinoy chef 18/01/2022 11:46 ...
View More