Ngayong taon, masasaksihan ng mga Pilipino sa Victoria ang isang kamangha-manghang COVID-safe Australia day Festival na magbibigay-diin sa pagkakaiba-iba ng etniko ng mga Pilipino sa Australia at ang matibay na relasyong diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Reflect, Respect, Celebrate- We are all part of the story
Ayon kay Filipino Community Council of Victoria President Marlon De Leon, ang kanilang samahan ay naging aktibo sa pagsuporta sa taunang Australia day parade, ngunit nitong huli napansin nila na ang partisipasyon ng komunidad sa city parade ay naging mas maliit kaya't napagpasyahan nilang gawin ito sa bang pamamaraan.
"We applied for a grant through the National Australia Day Council called the COVID-safe Australia day event so we can celebrate on our own as a community. This year is also the 75th year of the diplomatic relations between Australia and the Philippines and so we will have a joint celebration. I think its but right to celebrate and give back the kindness Australia has given to us."
Festive showcase ng kulturang Pinoy at matibay na ugnayan ng Australia at Pilipinas
Sa pagsasalita sa SBS Filipino, sinabi ni Ginoong Marlon De Leon na sa halip na karaniwang parada sa lungsod, gaganapin nila ang parada sa Filipino hub sa Brooklyn business park kung saan ang karamihan sa mga kalahok ay magsusuot ng iba't ibang kulay ng mga isla ng Pilipinas.
"Halos nasa 300 mga kalahok ang sasali sa parada. Magkakaroon ng isang malaking parada ng mga Filipiniana, kasama ang Santa Cruzan at mga mananayaw sa kalye, at ang paghahanap din para sa unang Ms. Australia day-Philippines ambassador."
Ibinahagi ni G. De Leon ang pagdiriwang ay magsisimula sa isang parada ng Filipiniana at mga mananayaw sa kalye, at ang opisyal na pagbubukas ng mga pop-up store dakong alas onse.
Alas-dose ng tanghali, magbibigay ng kani-kanilang mga talumpati para sa pamayanang Pilipino ang konsul heneral ng Victoria na si Maria Lourdes Salcedo at State MP Katie Hall, Caucus Secretary ng Parlyamento ng Victoria.
Ala una ng hapon ang Search for Ms. Australia-Day Philippines na magiging isa rin sa mga highlight na susundan ng isang walang tigil na live entertainment mula sa mga local artists, Banda at celebrities.
Magkakaroon din ng mga pop-up stores ng mga paboritong pagkaing Pinoy.
Isang COVID-safe na selebrasyon
Bukod sa pag-apruba sa pondo, isiniwalat ni G. De Leon na nakuha rin nila ang pag-apruba ng departamento ng Pangkalusugan at Serbisyong Pantao sa mga tuntunin ng pagpapatakbo ng isang COVID-safe na kaganapan.
"Our Filipino-Australian Community Australia Day Festival is registered as public event for up 1000 participants. Rest assured that our event has taken into account the safety and security requirements to hold this event."
Aniya ang mahigpit na mga hakbang sa COVID mula sa departamento ng kalusugan ng estado ay susundin sa kaganapan.
"Our Filipino-Australian Community Australia Day Festival is registered as public event for up 1000 participants. Rest assured that our event has taken into account the safety and security requirements to hold this event."