Coming Up Tue 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
AUSTRALIA EXPLAINED IN FILIPINO

Australia Explained: Bakit malapit sa puso ng mga Aussie ang karagatan?

An aerial image shows swimmers at Manly Beach. Source: AAP Image - Sam Mooy

Ang Australia ay isang bansa na halos lahat ay marunong lumangoy... matatagpuan dito ang higit sa 10,000 dalampasigan sa kahabaan ng baybayin nito. Sa episode na ito ng Australia Explained, alamin kung bakit napaka-lapit sa puso ng mga Aussie ang karagatan.

Bilang isang bansa na napapalibutan ng tubig, ang Australia ay matatagpuan sa pagitan ng Indian Ocean sa kanluran, at South Pacific Ocean sa silangan.

Mayroong higit sa 8,200 na isla sa baybayin ng Australia, ang pinakamalaki ay ang estado ng Tasmania sa bahaging timog.

Karamihan sa populasyon ng Australia ay nakatira sa silangan at timog-silangang baybayin ng kontinente.

Sa paglipas ng panahon, nadiskubre ng mga Australyano ang tunay na saya ng tabing-dagat, kung saan unti-unting dumami ang naninirahan sa mga lugar na malapit sa mga baybayin ng Australia. Mas napuno at naging mas masikip ang mga lugar na ito pagsapit ng ika-20 siglo. 

Tandaan lamang na may masamang epekto rin ang matagal na pagkakabilad sa ilalim ng araw. Mahalaga ang pagkakaroon ng proteksyon mula sa ultraviolet rays para maiwasan ang kanser sa balat.

Pakinggan sa Australia Explained ang iba pang dahilan ng pagiging malapit ng mga Australyano sa karagatan.

Australia Explained: Bakit malapit sa puso ng mga Aussie ang karagatan?
00:00 00:00
 

Pagdating sa mga hayop na makikita sa karagatan ng Australia, ang pating ang pangatlo sa pinaka-mapanganib, bagaman napakaliit lamang ng posibilidad ng pagkamatay mula sa pag-atake ng pating kumpara sa ibang mga hayop. Sa kabila nito, maraming Australyano, base sa ilang survey, ang nagsabi na labis nilang kinatatakutan ang pagkamatay sanhi ng pang-aatake ng pating.

Australia Explained Shark attacks
Great white pointer shark.
AAP/Mary Evans/Ardea Douglas/David Seifert

Ayon sa Australian Shark Attack File ng Taronga Conservation Society Australia, ang bilang ng namamatay mula sa pag-atake ng pating ay 0.9 - mas mababa sa isang tao bawat taon.Sa katunayan, ang pagkamatay mula sa shark attack ay napakabihirang mangyari, at ginagawa ng mga pamahalaang estado ng Australia ang lahat ng posible upang mabawasan ang panganib na ito.

Pakinggan ang lahat ng episode ng Australia Explained sa pamamagitan ng Apple Podcasts, Google Podcasts, o Spotify.

Ang Australia Explained ay orihinal na nilikha ni Maram Ismail para sa SBS Arabic24.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Australia Explained: Bakit malapit sa puso ng mga Aussie ang karagatan? 26/01/2022 15:29 ...
Mga dapat malaman kaugnay sa sistema ng edukasyon sa Australia 02/03/2022 23:07 ...
Australia Explained: Musika, sining, teatro, atbp: Mayamang tradisyon ng kulturang pop ng Australia 23/02/2022 22:37 ...
Sanga o bikkie? Mga dapat alamin tungkol sa Aussie slang 16/02/2022 17:05 ...
Australia Explained: Ano ang 'footy'? Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga sikat na sports sa Australia 09/02/2022 27:05 ...
Australia Explained: Alamin ang kwento sa likod ng mga sikat na pagkain sa Australia 02/02/2022 30:05 ...
Australia Explained sa wikang Filipino 24/01/2022 00:47 ...