Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Australia magsasagawa ng diplomatic boycott sa 2022 Winter Olympics sa Beijing

A jogger runs by a street decoration for the Beijing 2022 Winter Olympics at National Olympic Sports Center on 24 November, 2021 in Beijing, China. Source: Getty

Hindi magpapadala ang Australia ng mga government official na dadalo sa 2022 Winter Olympics sa Beijing

 

Hindi magpapadala ang Australia ng kahit sinong government official para dumalo sa palaro tulad ng ginawa ng United states pero ipagpapatuloy ng mga atleta ang pagsali sa mga kumpetisyon.


Highlights

  • Magsasagawa ng diplomatic boycott ang Australia sa 2022 Beijing Winter Olympics
  • Nauna nang nanawagan ang Uighur Community sa Australia sa pag-aksyon ng pamahalaan 
  • Magpapatuloy ang suporta ng Australia sa mga atleta at manlalarong lalaban sa Beijing Winter Games

 

Ito ay kasunod ng tumitinding hidwaan sa pagitan ng China at Australia at pag-ayon sa desisyon ni U-S President Joe Biden na nagsabing ang mga paglabag sa karapatang pantao ng China at maling pagtrato nito sa mga Uyghur minorities ang pangunahing dahilan ng boycott.

Giniit ni Prime Minister Scott Morrison ang hakbang na ito ay naayon sa pambansang interes.

"Australia's a great sporting nation and I very much separate the issues of sport and these other political issues.

They're issues between two governments and I would like to see those issues resolved but they are not resolved and Australia will not step back from the strong position we've had standing up for Australia's interests and consistent with that position and obviously it is of no surprise that we wouldn't be sending Australian officials to those games. But, our athletes will be going"

Tinanggap naman ng Australian Olympic Committee  ang desisyon ng pamahalaan na patuloy na suportahan ang mga manlalarong lalaban sa Beijing Winter Games, sa kabila ng inanunsyong diplomatic boycott.

Sinabi ni AOC chief executive Matt Carroll  na nananatiling politically neutral ang kanilang committee.

"Our athletes and the team officials, coaches, doctors, myself and the vice president Ian Chesterman and John Coates will be at the Games and our athletes will be there to represent as the country, as they did proudly in Tokyo, they'll do the same thing in Beijing. A diplomatic boycott is a matter for government."

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Australia magsasagawa ng diplomatic boycott sa 2022 Winter Olympics sa Beijing 08/12/2021 01:53 ...
Mga balita ngayong ika-29 ng Enero 29/01/2022 06:46 ...
Mga senior citizen, todo ang pasasalamat sa Australia 28/01/2022 08:21 ...
Mga balita ngayong ika-28 ng Enero 28/01/2022 09:59 ...
Ano ang Lunar New Year at paano ito ipinagdiriwang sa Australia? 27/01/2022 11:20 ...
Pagbili ng RAT kits, pahirapan pa din 27/01/2022 07:17 ...
Mga balita ngayong ika-27 ng Enero 27/01/2022 08:20 ...
Pagdiriwang ng Australia Day sa Canberra: 'Reflect, Respect at Celebrate' 26/01/2022 11:49 ...
Paano nga ba gunitain ang ika-26 ng Enero nang may respeto? 26/01/2022 05:40 ...
Mga balita ngayong ika-26 ng Enero 26/01/2022 09:39 ...
View More