Dating Coach ng Australia Women's National Soccer Team na si Alen Stajcic ang Head Coach ngayon ng Philippine Women's National Football Team.
Isang malaking karangalan para kay Alen Stajcic ang mapiling Head Coach ng pambato ng Pilipinas sa AFC Women's Asian Cup.
Bago naging head coach ng Matildas noong 2014 hanggang 2019 ay malawak na din ang naging karanasan nito sa pagko-coach ng iba’t ibang Women’s soccer team sa Australia
Pakinggan ang buong ulat:
Highlights
- Nobyembre nang nakaraang taon magsimula bilang head coach ng Philippines Women’s National Football team si Stajcic
- Hindi pa nagka-qualify ang Pilipinas noon pa man sa FIFA Women’s World Cup kaya nais ni Coach Alen na maging bahagi ito ng kasaysayan
- Bukod sa Australia, ilang bansa pa ang kinokonsidera ni Coach Alen na matinding makakalaban gaya ng Japan at China