Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Bakit nag-aalangang magbukas ang ilang restaurant ngayong patapos na ang lockdown sa Sydney

Source: SBS

Ilang tulog na lang at dahan-dahan ng tatapusin ang mga restriksyon sa Sydney matapos ang tatlong buwang lockdown, kung ang mga mga restaurant owners ay busy sa paghahanda lalo’t punuan na ang kanilang bookings para sa dine-in, ilang negosyante nag-aalangan pa din.

“Kung ang 4 square meter restrictions andyan pa din takeaway lang muna kami. Ang 10 hanggang 12 customers dine-in lang, lugi pa din kami, hindi kaya ang gastos." 

Hindi pa kayang makipagsabayan ng Pakistani restaurant owner na si Tasneem Abbas na nasa hilagang bahagi ng Sydney, kaya mananatili muna sila sa takeaway na serbisyo kahit pa magbubukas nang muli ang ibang negosyante sa Oktubre 11.


 

Highlights

  • Higit 20,000 na restaurant owners ay nag-aalangang magbukas ng kanilang negosyo ngayong Oktubre 11
  • 74 % ng  Australian diners ay nangangakong susuportahan ipapaikita ang vaccine certificate kung kailangan sa lahat ng lugar
  • 83 % ng mga Australian diners ay susunod sa mga Covid health protocols sa lahat ng lugar

Ang kwarenta anyos na negosyante ay isa lang sa higit 20,000 restaurant owners na mananatili muna sa take-away ang serbisyo kahit na magtatatlong buwan na silang walang serbisyo na dine-in.

" Nung July pa kami walang dine-in gaya ng lahat ng restaurant, pickup takeaway lang ang serbisyo namin. Mahirap dahil kakasimula pa lang namin sa negosyo at ka-introduce pa ng food sa tao, " kwento ni Tasneem.

Taong 2017 nakarating dito sa Australia ang mag asawang Galing Rawalpindi sa Pakistan sila Tasneem at Abbas Zaki . Ayon sa kanila inaalagaan nila ang kanilang negosyo dahil katuparan Ito ng kanilang pangarap na maibahagi ang kanilang delicacy, gaya nga tradisyonal na chicken at beef barbecue.

"Pangarap talaga namin na magkaroon ng negosyo tungkol sa pagkain, at masaya kami sa restaurant na ito, " dagdag ng bagong negosyante.

Pero dahil sila magkakapamilya lang ang gumagawa at nagpapatakbo sa restorant hindi sila qualified sa Job Saver na tulong ng gobyerno.

Ayon sa mag asawa, mula $20,000 kada buwan na kita noong pwede pang tumanggap ng dine-in , ngayon na take away Lang ang kanilang serbisyo, $5000 na Lang ang kanilang kita, at masakit pa dito dahil kulang pa Ito sa renta at ibang gastusin kada buwan na $7500.

"Naku ang bait ng landlord namin at supportive. Binigyan nya kami ng almost 40% discount sa rent pero dahil 3 months ang lockdown, kaya nangutang kami sa mga kaibigan at kaanak, kaya thankful kami."

Aminado si Tasneem gusto pa nilang mas maging maluwag pa ang restriksyon, at nang dumami ang dumayo sa kanilang restaurant pero, sabi nito mukhang matatagalan pa ito.

" Maraming tao ang gustong magbakasyon dahil nga sa deprived lahat dahil sa lockdown. Baka sa simula mid-Novemeber  bakasyon na sila, kaya alangan kaming magbukas ng dine-in."

Samantala, iba naman ang karanasan ng may ari ng Nigerian Restorant na Little Lagos na si Adetokunboh Adeniyi dahil punuan na ang bookings ng kanilang restorant, kaya busy ito sa paghahanda sa muling pagbubukas nito ngayong buwan ng Oktubre.

"Masaya kami sa suporta na pinakita ng aming mga kaibigan at pamilya pati mga customers kaya ito naghahanda kami sa pagbubukas ngayon," saad ni Adeniyi.

Ang Little Lagos ay sarado mula pa noong buwan ng Hulyo at inamin ni Adeniyi laking takot nito na baka Hindi na sila makabawi dahil sa pandemya.

"Sobrang takot ko nung maglockdown dahil baka itong sinimulan namin ay mawala na parang bula, kaya talagang kayod at dasal talaga na maging maayos na kahit papaano," dagdag pa nito.

Kampante naman ito na lahat ng kanyang mga customers ay susunod sa Covid-Safe rules. Bagay na sinang-ayunan ng isang ginawang pag aaral ng Fin tech Zeller.

Ayon sa Director of Growth Josh McNicol lumalabas, na sa isang libong respondent na Australian diners at sa Hospitality Report, halus silang lahat na customers ay nagsabing susunod sa mga panuntunan para ligtas sa virus sa loob ng mga restorant.

“74% ng Australian diners ay suportado ang lahat ng lugar, willing ipakita yong vaccine certificate kung kailangan at 83 %  ang susunod sa restaurant COVID safety para sa sariling kaligtasan."

Itong pag-aaral na ito, ay nabigay ng pag-asa sa lahat ng mga may negosyong restorant gaya ni Adetokunboh Adeniyi.

Dagdag pa nito na kahit pa umano, nalugi na sya ng higit $100,000 nitong lockdown, determinado itong makabangon.

“Gusto na naming muling magbukas na para sa mga customers namin  at gawin ng doble ang lahat ng aming makakaya para makabangong muli sa tulong nila, pati mga kaibigan at kaanak."

 

 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Bakit nag-aalangang magbukas ang ilang restaurant ngayong patapos na ang lockdown sa Sydney 05/10/2021 06:06 ...
'Sound of Christmas from Asia Pacific': Ipinagdiriwang ang iba't ibang kultura ng Australia 06/12/2021 12:53 ...
Mga balita ngayong ika-6 ng Disyembre 06/12/2021 15:01 ...
'I feel a sense of achievement': Pagboboluntaryo ng isang Pilipinong estudyante sa Sydney 05/12/2021 11:22 ...
Mga balita ngayong ika-5 ng Disyembre 05/12/2021 07:26 ...
Mga balita ngayong ika-4 ng Disyembre 04/12/2021 05:02 ...
Department of Health binabantayan ang mga dumarating sa bansa sa Omicron Variant 03/12/2021 07:56 ...
Ambassador de la Vega ibinahagi ang Philippine Christmas experience sa mag-aaral sa Canberra 03/12/2021 13:33 ...
Bilang ng namamatay sa kanser bumaba 03/12/2021 07:52 ...
May lunas ba sa sintomas ng menopause? 03/12/2021 10:19 ...
View More