Coming Up Sun 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Batang mula Western Sydney, siya na nga kaya ang susunod na malaking pangalan ng Australia sa NBA?

14-year-old Andrei Kyle Honrada aiming for a shot Source: Basketball Australia/Hills Hornets

Sa tatlong MVP awards, 5 kampeonato ng Hills Hornets na pangunahing siyang manlalaro at napili na makasama sa Jr. NBA Global Championship sa Florida noong Hulyo, si Andrei Kyle Honrada na nga kaya ang susunod na malaking pangalan sa basketball ng Australia at maging sa NBA?

Sa taas na 5.5 feet, pangarap ng ngayo'y 14 na taong gulang na Filipino-Australyano na makarating sa National Basketball Association (NBA) at doo'y propesyonal na makapaglaro.

"My ultimate goal is to reach pro-level while do the things that get to it like doing college, and one day play at the NBA," lahad ng varsity player ng Oakhill College sa Sydney.


 

Mga highlight

  • Hindi laging nasusukat ng pisikal na katangian ang kakayahan ng bawat isa.
  • Determinasyon at walang sawang pagsasanay ang ginagawa ng batang Andrei Kyle Honrada upang mapagbuti ang paglalaro ng basketball.
  • Hangad niya na maabot ang antas ng propesyonal na paglalaro at makarating sa NBA.

Maging sa gitna ng pandemya, nakatutok pa rin sa kanyang patuloy na araw-araw na pagsasanay at paglalaro ng basketball ang bituin ng Hills Hornets sa New South Wales kung saan siya nagsimulang maglaro sa edad na 9.

"Before the pandemic, I was training everyday, individually and for the team. I was playing games every other day to focus on my basketball skills," anang point guard. 

Basketball
Andrei Honrada
Basketball NSW

Matapos pangunahan ang Hornets na manalo sa U-14 Australian Club Championships noong nakaraang taon, ang bata mula sa kanlurang Sydney ay napiling makasama sa Asia Pacific team na dapat sana'y bahagi ng Jr. NBA Global Championship sa Florida noong nakaraang buwan.

Isa lamang siya sa dalawang manlalaro ng Hornets na pinili ng Basketball Australia na maging bahagi ng Jr. NBA team.

Bagaman nalulungkot na hindi natuloy ang kanilang pagpunta sa NBA, hindi naman siya tumitigil sa kanyang mga ginagawa upang lalo pang mapagbuti ang kanyang paglalaro.

Sa murang edad na anim, nakakitaan na ng angking galing at hilig sa basketball si Andrei. Ayon sa ama nito na si Arlan, dalawang taon pa lamang ang batang Honrada ng una itong humawak ng bola at sinimulan ang pag-dribol ng bola.

Andrei Honrada
Andrei Honrada (middle), with his dad Arlan, sisters Arianne and Audrey and mum Marianne, receives MVP award after leading Hill Hornets U12 Div 1 to win the Metro Junior League championship in 2017.
Jun Almario

Dagdag pa ng ama na nang pitong taong gulang pa lamang ang kanyang bunso, pinagsasabay nito ang paglalaro ng basketball at soccer at pareho siyang mahusay dito. Ngunit maraming pagkakataon na mas pinipili ng bata na maglaro ng basketball.

"Kapag nasa basketball game siya, sobrang saya at sigla niya, kaya nagdesisyon kaming mag-asawa na, sige sa basketball na lang siya mag-concentrate," lahad ng matandang Honrada.

All out ang suporta ng pamilya ni Andrei sa kanyang pagbabasketball lalo na ang kanyang ama na lagi niyang kasama sa lahat ng kanyang training at laro.

BASAHIN DIN / PAKINGGAN

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Batang mula Western Sydney, siya na nga kaya ang susunod na malaking pangalan ng Australia sa NBA? 13/08/2020 17:12 ...
Musika tulay sa koneksyon at kasanayan 19/09/2020 07:32 ...
Mga balita ngayong ika-19 ng Setyembre 19/09/2020 07:57 ...
Mula Corporate manager naging Mompreneur 18/09/2020 30:45 ...
Yaman ng mga bilyonaryo naapektuhan din ng pandemya 18/09/2020 05:43 ...
Hay fever at asthma ngayong Tagsibol 18/09/2020 10:15 ...
Mga tinig ng kababaihan naiipit sa lockdown 18/09/2020 11:56 ...
Pagbawal ng single-use plastic sa SA suportado ng mga Pinoy 18/09/2020 09:06 ...
Mga balita ngayong ika-18 ng Setyembre 18/09/2020 08:50 ...
Hay fever may hawig sa sintoma ng COVID-19 17/09/2020 09:49 ...
View More