Coming Up Sun 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Concession card holders maaari ng makakuha ng libreng RAT tests

Maria Scafi, the site lead at the Rapid Antigen Test Kit Distribution centre poses for a photograph with a Rapid Antigen Test Kit in Melbourne. Source: AAP image/James Ross

Simula kahapon maaari ng makakuha ng libreng Rapid Antigen Test kits ang mga concession card holders. Samantala, tiniyak ng mga awtoridad sa mga magulang na plantsado na ang plano para sa pagbabalik eskwela ng mga bata, matapos nabahala sa kakulangan ng supply ng test kits at ang mabilis na pagkalat ng Omicron variant cases.

Humahaba na ang pila ng mga Australians sa labas mismo ng mga lokal na botika, itoy matapos sabihin ng gobyerno na maari ng gamitin ang mga Rapid Antigen testing kit sa bahay kaysa pumila sa PCR testing centres. Pero mas maging madali para sa mga concession card holders dahil simula kahapon, makakakuha sila ng libreng test kits.

Aabot sa 6.6 milyong  Australians  kabilang dito ang mga pensioners, veterans at mga may mababang income , ang makakakuha ng libreng sampung test kits  sa loob ng tatlong buwan.


 

Highlights

  • South Australia kulang ang supply ng RAT kits.
  • Bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19 dadami ngayong pasukan.
  • NSW tiniyak sa mga magulang na plantsado na ang hakbang sa pagbubukas ng eskwela sa susunod na linggo.

 

 Makinig sa podcast:

Concession card holders now eligible for free RAT tests
00:00 00:00

Subalit nababahala ngayon ang  Pharmacy Guild of Australia president  na si Trent Twomey sa kanyang pahayag sa Nine Network, dahil  hindi agad umabot ang supply sa kani-kanilang mga botika sa bawat estado at teritoryo.

" May supply tayo para sa buong programa ng gobyerno pero sa ngayon wala tayong  tamang supply para sa araw na ito dahil hindi pa dumating sa 6000 ang botika sa bansa at 804 ang nauna ng namigay."

Ayon kay South Australia Premier Steven Marshall may supply sila ng RAT kits sa mga klinika na pinamamahalaan ng estado pero kulang ang kanilang supply.

Kaya inaasahang magpupulong ang  Covid response committee ngayong linggo para pag-usapan  kung paano maplanstsa ang mga problema para bumaba ang kaso ng Covid -19 sa kanilang estado.

"Pag-uusapan namin kung paano  ang mga hakbang para dahan dahan tanggaling ang mga restriksyon, kasama din  ang  Aboriginal and Torres Strait Islander communities pati ang elective surgery."

Subalit kahit nararanasan ang pagtaas ng kaso ng mga na-ospital sa Northern Territory, ayon kay health minister Natasha Fyles, kampante ito na  malalagpasan nila ang pandemya.

" Nakikit namin na bumaba ang bilang ng kaso dahil na din sa weekend at marami ang hindi nagpatest dahil sa isolation. Isa sa nagpalala nito ay ang marami ang nasa malalayong lugar."

Dagdag din ni  New South Wales, chief health officer Dr Kerry Chant  laking tulong sa paghina ng pagkalat ng virus ng estado ang pag-iingat at pagsunod sa health protocols.

" Naging mabagal ang pagkalat ng virus ngayon, nakakatulong ang mga ginawang pag-iingat ng lahat, pero inaasahan na namin na tataas kapag magsisimula ang eskwela ng mga bata."

Tanggap na  din ng maraming estado at teritoryo na aakyat ang bilang ng kaso ng Covid sa pagbabalik silid-aralan ng ilang milyong kabataan simula ngayong linggo.

Isa na dito si Queensland , Chief health officer Dr John Gerrard na nagsabing baka mas hahaba pa ang panahon na mataas ang bilang ng kaso sa kanilang estado ngayong pasukan.

 " Segurado tayo na mas hahaba ang peak period dahil sa malapit ng magbukas ang eskwela ng mga bata."

Samantala sa New South Wales, tiniyak ni Premier Dominic Perrottet  sa mga magulang plantsado na nila ang programa para magiging ligtas ang pagbabalik ng kanilang mga anak sa eskwelahan.

"Sa ngayon mayroon ng  5 million  rapid antigen tests n naipamahagi sa mg paaralan sa buong estado at ang iba ay sa susunod na mga araw na-madelivery."

Kung kasama ang Victoria sa pamimigay ng mga RAT kits sa mga staff at estudyante ngayong pasukan gaya ng NSW. Pero tinututulan ito ni  Queensland Health Minister Yvette D’Ath .

"Wala namang recommendation  mula sa AHPPC o chief health officer na kailangan gawin ang testing sa mga batang ito. HIndi ito madali at kulang pa tayo sa supply ng testing kits.  Kaya dapat gamitin yon sa mga mas nangangailangan."

Saad ni D’Ath, mabisang panlaban kontra virus pa din ang  pagbabakuna lalo na sa pagbabalik eskwela ng mga bata.

Ang 5-11 years old ay halus nasa  25 percent,  ibig sabihin isa sa apat na mga bata sa edad na yon ay bakunado na. Paalala nito sa mga magulang dapat bakunaha na din ang  kanilang mga teenagers na papasok."

Bagay na sinang-aayunan ni Victoria Premier Daniel Andrews, at higit sa lahat  nagpapababa ito ng pressure sa sistema ng kalusugan  sa lahat ng estado at teritoryo.

" Dapat nating tandaan hindi lang sarili ang naililigtas ngayong may pandemya kapag nagpabakuna, kundi pati ang mahal sa buhay. At dapat ipagpatuloy para sa pangatlong dose."

Inanunsyo naman ni Health Minister Greg Hunt  na  aprubado na ang bakunang gamot na Novavax bilang pang-apat na bakunana  maaring gamitin sa bansa.

Dagdag nito,  ang Novavax  ay protein-based na bakuna, na tamang-tama para sa hindi pa bakunado dahil  sa medikal na kondisyon. 

" Ayon sa abiso ng technical advisory group  ng immunisation  dapat dalawang dose  na may pagitan ng  3 linggo. Protein based vaccine ito kaya mainam ito sa may mga reaksyon sa ibang bakuna pati sa mga wala pang bakuna."

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bakuna sa inyong wika, bisithin  ang sbs.com.au/coronavirus.

 

 

 

 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Concession card holders maaari ng makakuha ng libreng RAT tests 25/01/2022 10:01 ...
Mga balita ngayong ika-28 ng Mayo 28/05/2022 07:05 ...
Indiginoy Episode 1: Ang pag-iisang dibdib ng Katutubo at Pilipino 27/05/2022 16:06 ...
Mga paraan upang manatiling malusog ang pag-iisip sa pagtanda 27/05/2022 10:26 ...
Bataan Nuclear Plant isinasaalang-alang ng Administrasyon Marcos 27/05/2022 08:00 ...
Gusto magtrabaho sa Australia pero walang sponsor? Alamin kung anong visa ang naayon sa iyo 27/05/2022 10:38 ...
Pagtaas ng presyo ng kuryente, inaasahan na 27/05/2022 04:55 ...
Mga balita ngayong ika-27 ng Mayo 27/05/2022 07:54 ...
Australya nakapagtala ng unang kaso ng monkeypox 26/05/2022 06:16 ...
Mga balita ngayong ika 26 ng Mayo 26/05/2022 13:45 ...
View More