Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Dark sky tourism: Alamin kung saan maaring mag-stargazing sa Australia

زیر کهکشان راه شیری Source: Getty Images/Supoj Buranaprapapong

Alamin ang lugar sa Australia na tinaguriang pinakamagandang lugar na mag-stargazing sa buong mundo.

Dahil matatagpuan sa katimugang bahagi ng mundo o southern hemisphere ang Australia makikita ang mga nagniningningang bituin at konstelasyon o mga bituin na naka-ayos na may  hugis o pattern na hindi nakikita mula sa hilagang bahagi ng mundo o northern hemisphere.

Ganito  inilarawan ni Duane Hamacher na  isang Associate Professor ng Cultural Astronomy  mula University of Melbourne ang kalangitan. Dagdag atraksyon pa ang pinakinang na kalangitan dahil sa  city lights, kaya mainam itong pwesto para sa stargazing.

Pakinggan ang podcast:

Dark sky tourism: stargazing in Australia
00:00 00:00


 

Highlights

  • Southern Cross dito sa Australia ay magandang masisilayan sa panahon ng taglagas at taglamig.
  • Sabi ni Carol Redford o “Galaxy Girl” at founder ng Astrotourism sa Western Australia, nakikita ang magagandang tanawin sa kalangitan dahil sa angking dark sky mayroon ang bansa.
  • Dark sky tourism sa regional Western Australia ay tinaguriang pinakamagandang lugar na mag-stargazing sa buong mundo.

“Paglipat ko mula US papunta dito sa Australia namangha ako sa ganda kalangitan, makikita mo ang Milky Way, ang Magellanic Clouds, ang lugar ng  Milky Way  patungo sa  Southern Cross kitang-kita dito sa Southern Hemisphere."

Pinakapopular na konstelasyon dito sa Australia ay ang tinatawag na  Southern Cross,  pinakamaganda itong pagmasdan sa panahon ng taglagas at panahon ng taglamig o winter. Binubuo ito ng limang naglalakihang bituin na tila naka-ayos na horizontal diamond, mas pinatingkad ito dahil  ang kalangitan dito sa Australia kapag gabi, ito’y malinis at napakadilim.

“Dito sa Southern Hemisphere  para makita ang magandang tanawin sa kalangitan kailangan talaga na sobrang itim ng langit (dark sky)  gaya ng Magellanic Clouds.  Ang ganda nila tingnan dito sa Australia."

Ayon kay Carol Redford o mas kilalang “Galaxy Girl” na founder ng Astrotourism sa Western Australia, nakikita ang magagandang tanawin sa kalangitan dahil sa angking dark sky mayroon ang bansa.

Layunin ni Redford na palakasin ang dark sky tourism sa regional Western Australia dahil tinagurian itong pinakamagandang lugar  na mag-stargazing sa buong mundo.

“Hindi na kailangang lumayo sa may  Blue Mountains sa Sydney,  Western QLD,  WA  sa Perth, NT at SA basta malayo sa ilaw sa mga syudad maari kang magstargazing, makikita mo ang milyong milyong mga bituin."

Dagdag ni Duane Hamacher  ang nakikitang tila pinagtagpi-tagping bituin sa kalangitan ay may bakas ng kwento at kaalaman mula sa mga katutubo.

Ang  Western and Aboriginal and Torres Strait Islander ay nakikita ang magkakaibang grupo ng mga bituin o constellatios pati at ang Dark sky constellations ang pinaka-unique dito sa Southern Hemisphere. Ang dark spaces  ayon sa Western Astronomy dun ang cool gas at dust saan nabubuo ang lituin. At sa Aboriginal tradition, dito nabubuo ang hugis ng maraming hayop."

Ayon sa Astronomer na si Ghillar Michael Anderson na isang Euahlayi Elder mula sa  hilagang kanlurang bahagi ng New South Wales  ang nakikitang Emu o hugis emu sa Milky Way  ay mahalagang spirit animal. At ang posisyon nito sa   paglubog ng araw ay nangangahulugan  tungkol sa katauhan at kaugalian nito. 

“Ang hugi Emu sa kalawakan , ay pinaniniwalaang taga-bantay ng tubig, patungo sa water system ng Australia. Ito ay tinaguriang pagkakatawang-tao dito sa kalangitan na nasa tubig."

Kaya saad ni Hamacher walang duda ang mga First Nations people dito sa bansa  ay ang kauna-unahang mga astronomers.

“ Nang dumating dito sa Australia ilang ilang daang libong taon na ang nakakaraan ginamit nila ang kanilang kaalaman sa astronomy para makarating dito. At ngayon, pinag-aralan nila pati galaw at position ng mga ito sa kalangitan hanggang tinawag ng mga Elders ang "reading the stars" kung saan sinasabi na ang lahat dito sa lupa ay sumasalamin sa kalangitan."

Ang Dark sky tourism ay hindi lang nangangahulugang pagbubukas ng Western astronomy  sa buong mundo kung hindi para ipakilala ang natatanging kaugalian at kaalaman ng mga First Nations people.

“ kung tumingin ka sa kalangitan sa gabi makikita mo ang Milky Way sa hilagang-timog na bahagi ng kalangitan. Mas maliwanag din sa silangang bahagi ng Milky way at sa kanluran ang gabi, so dalawang bahagi ang mundo at Milky Way. Sa amin nagbibigay din ito ang sign kung sino nag maaring pakasalan at hindi."

Layunin din ni Galaxy Girl na tulungang ikampanya ang pagrespeto  sa kaugalian at pinaniniwalaan ng mga Aboriginal, na ang kalangitan ay may koneksyon sa  pakikisalamuha ng mga Aboriginal  sa kapaligiran, kaya may tanging panawagan ito sa gobyerno.

“Ang light pollution ay tumataas ng 2% bawat taon lalo't mas lumalaki ang mga syudad pero ang gobyerno ay alam na dahil sa ating dark sky tourism alam nila dapat alagaan natin ang ating dark sky lalo na dito sa WA. "

Sa ngayon masayang ibinahagi ni Redford o Galaxy Girl  ang sinaunang kwento  gamit ang makabagong teknolohiya para ipakita ang maganda sekreto ng kalangitan.

Tumutulong din sya sa paggawa ng  Aboriginal astronomy tourism trail, para matuto ang mga tao sa bansa at sa buong mundo tungkol sa kalangitan sa gabi  mula sa First Nations Elders at  guides.

Bagay na sinang-ayunan at suportado ng Astromome O-lia Elder na si Ghillar.

“ May binubuo kaming dark sky program isa itong tourist programs, pinapakita natin sa kanila ang kaugnayan ng nasa baba at sa mga bituin. Tuturuan din natin silang bumasa at intindihin kaugnayan ng mga bituin at tao."

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Dark sky tourism: Alamin kung saan maaring mag-stargazing sa Australia 19/01/2022 10:07 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Mayo 24/05/2022 11:12 ...
Magkakaibang nanalong kandidato babaguhin ang mukha ng parlyamento 24/05/2022 05:07 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng ating mga kababayan sa katatapos na pederal na halalan? 23/05/2022 09:45 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Mayo 23/05/2022 08:03 ...
Anthony Albanese nakatakdang maging ika-31 na punong ministro ng Australia 22/05/2022 05:00 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Mayo 22/05/2022 08:22 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Mayo 21/05/2022 06:28 ...
Mga paraan upang mapabuti ang kalusugan 20/05/2022 06:21 ...
View More