Filipino-Australian local musicians sa Northern Territory, nagsanib-pwersa para makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Malaki ang pasasalamat ni Emcille Wills, Pangulo ng Filipino Australian Association of the Northern Territory sa mga suportang natanggap sa naganap na Relief Gig na pinangunahan ng mga Fil-Aussie musicians, artists at performers.
Ginanap ang event sa Filipino Community Center sa Marara, Northern Territory. Nagpapasalamat din si Emcille sa mga nagvolunteer lalo pa't isang linggo lang ang naging preparasyon nila.
Listen to the podcast here:
Highlights
- Tutulungan ng grupo ang mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Bohol, Cebu at Surigao.
- Iba’t ibang local artists ang naging tampok katulad nina Kuya James, Juicebox Syndrome, Caiti Baker at marami pang iba.
Dagdag ni Emcille, "Yung local musicians and artists parang meron kaming unspoken agreement na pag may kalamidad sa Pilipinas… as a matter of fact galing yan sa artist namin. They put on the interest tapos sinasabi samin sa committee sa Filipino Association and then we make it happen for them. With their support of course kasi we need sound system tapos lahat yun free service and free equipment galing sa kanila"