Inilunsad na ng Coalition ang kanilang mga bagong patakaran sa pabahay kung saan sentro ang paggamit ng superannuation para makabili ng property.
Sumentro sa ekonomiya ang mga mensahe ng Coalition para makumbinsi ang botante na sila ang mga tamang lider para humawak sa kaban ng bayan.
Bahagi ang mga plataporma ng panawagan ni prime minister Scott Morrison na isaalang alang ng mga botante ang kanyang job performance at wag nang pansinin ang mga paninira sa kanyang pagkatao.
Sinabi nitong marami syang nagawa para maitawid ang Australia sa mga mahihirap na krisis at sitwasyon
Isa pa sa pinaka mainit na pinag-usapan sa kampanya ay ang housing policy ng Liberal Party.
Highlights
- Sa bagong housing policy ng Liberal Party, magagamit ng mga first home buyer ang superannuation para makabili ng bahay
- Hindi sang-ayon ang Labor at ilang eksperto sa paggamit ng superannuation dahil magpapataas ito ng presyo ng pabahay
- Inilunsad ng Labor party ang halos isang bilyong dolyar na ilalaan para pagbutihin ang Medicare at mga local general practice.
Dahil sa taas ng presyo ng bahay sinabi ni prime minister Scott Morrison na kung sila ang mananalo, pwede nang gamitin ng mg mga first home buyers ang hanggang 40 percent ng kanilang superannuation, o hanggang $50,000, para makabili ng property.
Dagdag pa nito, ang mga edad 55 pataas na lilumipat sa Mas maliit na bahay o nagdownsize ay papayagan maglagay ng hanggang $300,000 sa kanilang pondong pang retiro mula sa kikitain sa pagbenta ng mas malaking bahay.
Sa pamamagitan nito, magagamit ng malalaking pamilya ang malawak na tahanan.
Gayunman, tinututulan ng oposisyon at ilang economic experts ang paggamit ng superannuation sa pabahay dahil maari itong magtulak sa mas mataas na presyo ng property
Samnatala, plano ng ALP na gumastos ng $750 million sa Strengthening Medicare taskforce, at pondohan ang mas mabilis na access ng mga pasyente sa kanilang GP. Ayon sa health spokesman ng ALP na si Mark Butler malaki ang kailangan ayusin pagdating sa pangangalaga ng kalusugan ng mamamayan.
Pero para sa out-going federal Health Minister Greg Hunt, kulang sa transparency ang nasabing kampanya.