Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Fixed o variable: Alamin ang pagpili ng tamang home loan

Source: Getty Images/krisanapong detraphiphat

Kung kukuha ka ng bagong home loan o kaya'y balak mo mag- refinance, nalilito ka ba kung ano ang pipiliin, fixed term o variable rate home loan? Ang dalawang ito ay parehong may kakaibang benepisyo at hamon depende sa pinansyal na kakayahan ng isang tao.

Ang pagkakaroon ng sariling bahay dito sa Australia ay pangarap ng lahat. Kaya isang magandang pagkakataon, na malaman kung paano ang gumagana ang home loan.

Kapag pinili ang fixed-rate loan mula sa  financial institution, ang rate ng interest  na iyong babayaran ay hindi na tataas o bababa, sa buong term kahit pa ang financial institution na  nagpahiram sa iyo ay may bagong interest rates. Dahil ang ibig sabihin ng  fixed-rate home loan, ay  fixed  o nakapako na ang  interest rate na iyong babayaran sa loob ng  napagkasunduang term, kahit pa tataas o bababa ang interest rates.


 

Highlights

  • Ang fixed-term loan, ay magandang option sa mga borrowers dahil naka-lockded in ang interest rate na binabayaran sa financial intitution sa buong term
  • Ang variable rate loan ay kung saan ang interest rates na babayaran ay taas -baba depende sa  Reserve Bank
  • Lenders Mortgage Insurance or LMI, ay insurance na nagbibigay proteksyon sa nagpapahiram kung sakaling hindi makapagbayad ang borrower ng loan

 

Ayon kay Peter Ruddock  na isang Mortgage broker  sa Mortgage Choice sa Melbourne ang fixed term ay kadalasan isa hanggang apat na taon.

“Ang fixed-rate loan ay may kasunduan kayo ng lender ng term o ilang taon mo mababayaran ang loan sa fixed na amount. Kahit babaguhin ng Reserve Bank ang rates, hindi apektado ang rates mo," sabi ni Mr. Ruddock.

Ang fixed-term loan,ay  isang magandang option para sa mga borrowers dahil kahit sumipa ang interest rates ay wala ng epekto sa iyong bayarin.Pero kapag bumaba ang interest rates, kailangan pa ding bayaran ang fixed rate  ng loan sa natitirang term.

Dagdag ni Mr Ruddock, mas gusto ng mga bangko na agad piliin ng mga customer ang fixed rate loan, dahil segurado ang bangko na bababa ang rate ng interest  sa loob ng isang taon, at pabor ito sa kanila kapag sa mataas na rate ka naka-locked in.

“At kung ikaw ang borrower na magbabayad ng mas mataas kaysa itinakdang minimum ang fixed-term loan ang bagay sa'yo, dahil mas mababa ito sa variable."

Kapag gusto naman ang flexible na approach, sa pagbabayad pwedeng piliin ang variable rate loan. Ang ibig sabihin nito ay pwedeng tataas o bababa ang interest rates ng loan, na pangunahing kinokontrol ng Reserve Bank of Australia, at sinusunod ito ng bangko.

" May required minimum amount na dapat mong ibayad pero kapag mas mataas ang bayad mo sa minimum requirement, mas madali mong mabayaran ang loan pero hindi ka pwedeng magbayad ng mababa."

Kung babaan ng RBA ang interest rates, maaring patuloy na magbayad ng mataas na halaga ang isang borrower. Sa ganitong paraan ay madaling mababayaran nito ang kanyang loan, pero  kapag sumipa ang interest rates dito kadalasan nagkakaproblema lalo na kapag hindi kayang bayaran ng borrower ang bagong rates.

Kaya ayon kay Kevin Davis na isang  Emeritus professor  ng Finance sa University of Melbourne, dito nakikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng offset account, na kasama sa variable loan.

((SG HOME LOAN 04 ENG 00:23”))

“Ang mortgage offset accounts ay makakatulong para ma-build up ang surplus funds, para ma-reduce ang interest na binabayaran sa mortgage, kaysa umutang kang muli sa iba para pambayad."

Ang pera sa offset account ang syang magpapababa sa  balanse ng loan pati  offsets interest. Halimbawa, kapag may  $400,000 loan na may variable rate at may $100,000 sa offset account,  aabot lang sa $300,000 interest ang maaaring bayaran.

May mga financial institution din ang nag-aalok ng split home loan, kung saan may variable at fixed-rate loans.

Dagdag payo ni Mr Ruddock, dapat pag-isipang Mabuti ang break cost  na pwedeng bayaran ng nanghiram kapag magdesisyon na  magbabayad sa fixed rate loan bago matapos ang term.

Ang break cost na ito ay ang interest rate sa panahon ng swap, kung saan pwedeng mataas o mababa  ang rate kaysa na -locked in na bayarin  sa fixed rate loans.

Samantala kapag ang interest rates ay tumaas at ayaw mo ituloy ang  term loan, hindi magiging mahirap sa bangko ang pagpahiram sa ibang borrower dahil naka-locked-in ka sa mas mababang rate.

Ang benepisyo lang kapag naka-locked in,  sa low interest rates ngayon sabi ni Mr Ruddock, ang seguradong galaw ng rate ay pataas kaya ligtas ka na magbayad sa mas mataas na rate ngayon.

May ibang bangko din na gusto nilang ang kanilang mga customers ay kukuha ng  Lenders Mortgage Insurance or LMI. Ito ay insurance  na magbibigay proteksyon sa mga nagpapahiram  o lenders  kapag hindi makapagbayad silang may loan.

Pero may  babala si Melbourne University Professor Kevin Davis sa lenders mortgage insurance na ito, dahil  hindi ito makakatulong sa borrower kahit nagbabayad ito ng premium, dahil gumagana ito pabor sa bangko.

'Kapag ang amount na hiniram mo ay 80% o higit pa sa binili mong bahay, ang bangko ay mag-require na kumuha ka ng Lenders Mortgage Insurance, bilang proteksyon ng bangko in case di ka makabayad ng utang."

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa  money smart website o komunsulta sa licenced mortgage broker.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Fixed o variable: Alamin ang pagpili ng tamang home loan 30/09/2021 08:02 ...
'Sound of Christmas from Asia Pacific': Ipinagdiriwang ang iba't ibang kultura ng Australia 06/12/2021 12:53 ...
Parents weigh their decision on getting their younger kids vaccinated 06/12/2021 09:00 ...
Mga balita ngayong ika-6 ng Disyembre 06/12/2021 15:01 ...
'I feel a sense of achievement': Pagboboluntaryo ng isang Pilipinong estudyante sa Sydney 05/12/2021 11:22 ...
Mga balita ngayong ika-5 ng Disyembre 05/12/2021 07:26 ...
Mga balita ngayong ika-4 ng Disyembre 04/12/2021 05:02 ...
Department of Health binabantayan ang mga dumarating sa bansa sa Omicron Variant 03/12/2021 07:56 ...
Ambassador de la Vega ibinahagi ang Philippine Christmas experience sa mag-aaral sa Canberra 03/12/2021 13:33 ...
Bilang ng namamatay sa kanser bumaba 03/12/2021 07:52 ...
View More