Coming Up Sat 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

‘Ho Ho Ho Hotline’: Libre, direktang linya para makausap ng mga batang Aussie si Santa

Aussie kids can use the Ho Ho Ho Hotline for a free and direct line to speak to Santa. Source: Getty Images/inhauscreative

Sa pamamagitan ng Ho Ho Ho Hotline na inilunsad nitong Disyembre, maaaring makatawag ng libre at makausap ng mga bata ng direkta si Santa Claus para sabihin sa kanya ang kanilang nais na matanggap na regalo nitong Pasko.

Gamit ang mga payphone na makikita sa iba't ibang bahagi ng Australia, direktang makakatawag kay Santa ang sinumang bata sa gabay ng kanilang mga magulang.

Ibinahagi ni Michael Ackland, Group Executive para Consumer & Small Business ng Telstra ang numerong dapat tawagan para makausap si Santa.

 

 


 

Highlight

  • Bukod sa dating nakasanayan ng mga bata na pagpapadala ng sulat kay Santa, maaari na ring matawagan si Santa Claus.
  • Para sa mga bata sa Australia, maaaring tumawag sa Ho Ho Ho Hotline para direktang makausap si Santa.
  • Maaaring tumawag kay Santa gamit ang Telstra payphone hanggang bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Pakinggan ang podcast

‘Ho Ho Ho Hotline’: Libre, direktang linya para makausap ng mga batang Aussie si Santa
00:00 00:00

Santa’s Ho Ho Ho Hotline
Michael Ackland, Group Executive, Consumer & Small Business at Telstra.
Supplied by Mediacast/Jess Murray
 

Hangad na maituro sa mga bata ang kahalagahan ng komunikasyon, inilunsad ng Telstra ang Ho Ho Ho Hotline nitong Disyembre.

Kapag nakatawag kay Santa, maaaring ibigay o sabihin ng mga bata ang kanilang Christmas wish list sa pamamagitan ng pagtawag sa #46 46 46 sa anumang Telstra payphone.

Bukod sa layunin na mapasaya ang mga bata nitong Pasko, hangad din ng kumpanya ng komunikasyon na patuloy na matulungan ang mga Australyano na manatiling konektakdo sa isa't isa at may matutuluyan nitong Pasko.

BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
‘Ho Ho Ho Hotline’: Libre, direktang linya para makausap ng mga batang Aussie si Santa 14/12/2021 04:30 ...
Nahalal Pangulo at Pangalwang Pangulo maaring maiproklama sa darating na linggo 20/05/2022 10:25 ...
Mga kumpanya, hinikayat na tumanggap ng mga taong may kapansanan 20/05/2022 05:41 ...
Labor, naglabas na din ng budget kung paano popondohan ang mga ipinangako ngayong halalan 20/05/2022 04:55 ...
Mga balita ngayong ika-20 ng Mayo 20/05/2022 07:32 ...
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng mga kabataan sa katatapos lang na halalan sa Pilipinas? 19/05/2022 08:37 ...
Pagbisita ni presumptive President Bongbong Marcos sa Australya, sinalubong ng mga taga-suporta at mga nagprotesta 19/05/2022 05:35 ...
Mga balita ngayong ika-19 ng Mayo 19/05/2022 08:27 ...
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng tamang high school na papasukan sa Australia 19/05/2022 08:57 ...
Mahahalagang isyu para sa mga komunidad sa regional Australia ngayong eleksyon 18/05/2022 14:57 ...
View More