Coming Up Tue 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Iba't ibang paraan ng pagdiriwang ng Lunar New Year

Source: SBS

Ang Lunar New Year ay kasingkahulugan ng pagsasama-sama ng pamilya at mga kaibigan, ngunit paano naiiba ang mga pagdiriwang kung malayo ka sa pamilya sa panahon ng masayang panahon na ito?

Sa Pilipinas, tinawag itong Chinese New Year kung saan dati'y ipinagdiriwang lamang ng mga Tsino-Pilipino at nakasentro sa Binondo, isa sa mga pinakalumang Chinatown sa bansa. Ngunit habang tumatagal, dumarai na ang mga Pilipino na nakikibahagi sa mga pagdiriwang, tinatamasa ang pagkain ng tikoy hangga't sa kaya nila.

Lunar New Year
Chinese New Year celebrations in Manila
Flickr / Jojo Nicdao

Ibinahagi ng Filipino-Chinese na si Ruth Genevieve Ong na ipinagdiriwang ng kanyang pamilya ang Chinese New Year sa bahay lamang sa isang simpleng hapunan na laging may nakahain na steamed fish at pampahaba ng buhay na mga noodles.

"On New Year's Eve, usually, it's a simple family dinner. So merong mga steam fish, s'yempre yung mga longevity noodles para pampahaba daw ng buhay, fresh lumpia made by my lola," pagbabahagi ng mag-aaral mula University of Sydney.

Lunar New Year
Steamed fish and some sticky rice cake on Lunar New Year in Taiwan
Supplied

"Fruits in particular apples and oranges fill up the table too," dagdag naman ng ipinanganak na Taiwanese na si Michelle Chen, na lumaki at nag-aral sa Maynila.

Naranasan din ng dalawang matagal na na magkaibigan, na lumipat sa Taiwan pagkatapos ng kolehiyo, kung paano ipinagdiriwang ng mga Taiwanese ang Lunar New Year at kung paano ito naiiba sa kanilang nakasanayan sa Pilipinas.

Lunar New Year
Ruth celebrating Chinese New Year with her two brothers
Supplied by RG Ong

Bilang ang pamilya ay sentro ng pagdiriwang, palaging may kasaganaan ng pagkain sa panahon ng Lunar New Year dahil ito ay isang paraan ng pagpapanatili na magkakasama ang mga pamilya sa pagdiriwang.

"I think the difference, first is, the length of the celebration. Usually kasi sa Pinas, one day lang. Sa Taiwan, umaabot ng 10 days 'yung celebration nila," ayon sa naka-base sa Melbourne na estudyante na si Michelle Chen, at dagdag niya na karamihan ng mga Taiwanese ay umuuwi sa kanilang sariling mga lugar para ipagdiwang ang Bagong Taon kasama ang kanilang mga pamilya.

Lunar New Year
Ruth Genevieve Ong (right) and Michelle Chen (3rd from right) with her two sisters celebrating last year's Year of the Pig in Sydney
Supplied by RG Ong

Ngunit sa kanilang paglipat sa Australya dalawang taon na ang nakalipas, humahanap ang dalawang magkaibigan ng mga espesyal na paraan upang ipagdiwang ang Lunar New Year bagaman maraming mga organisadong mga kaganapan sa mga lungsod para sa mga komunidad, ang pagiging malayo nila sa isa't isa at sa kanilang mga pamilya at kaibigan, ang mga kasiyahan ng Lunar New Year ay kailangan munang maghintay hanggang sila ay makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Basahin din

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Iba't ibang paraan ng pagdiriwang ng Lunar New Year 29/01/2020 17:06 ...
Freedom of Information program ng Pilipinas, ibabase sa ilang sistema ng Australia 27/06/2022 13:01 ...
Mga balita ngayong ika- 27 ng Hunyo 27/06/2022 11:11 ...
Mga balita ngayong ika- 26 ng Hunyo 26/06/2022 09:11 ...
Mga balita ngayong ika-25 ng Hunyo 25/06/2022 04:43 ...
Aussie soldiers learning a new skill: Speaking, reading and writing in Filipino 24/06/2022 20:01 ...
Economic Team ni President-elect Marcos Jr naghahanda ng mga hakbang para sa ekonomiya 24/06/2022 09:43 ...
Mga balita ngayong ika- 24 ng Hunyo 24/06/2022 10:58 ...
Bagong online tool makakatulong sa mga pasyente ng kanser na maagang matukoy ang tamang paggamot 24/06/2022 05:15 ...
Paano inihahanda ang libing ng namatay sa Australia? 23/06/2022 09:20 ...
View More