Ilang Filipino-Australians na negosyante ang may mga pinagdaanan ngayong 2021 pero positibo pa din ang pananaw sa panibagong taon.
Hindi naging madali ang 2021 para Registered Nurse sa Sydney na si Evangeline Wenban na siya ding may-ari ng restaurant na Estelita’s Filipino Kusina.
Walang kaalam-alam sa negosyo dahil hindi niya ito linya at tanging gusto niya lang ay ipakilala ang pagkaing Pinoy sa Australia pero napasabak sa pagbubukas ng restaurant.
"I'm always praying for this restaurant sabi ko I hope it wont close kasi if people will not come to eat magkoclose siya kasi I cannot afford to pay the rent, pay my staff if walang kumakain dito. It will close down. I just want the whole of Australia also to know the Filipino food."
- Unti-unti nang nakikilala ang Estelita's Filipino Kusina pero pinag-iisipan ng may-ari na ibenta ang restaurant
- Paborito ng mga kustomer ang kanilang adobo, pansit at sisig
Kung may alinlangan si Evangeline sa 2022… Napaka-positibo naman ng pananaw sa susunod na taon ni Melissa Aguasa, may-ari ng Melissa’s Supermarket na mas kilalang Melissa’s Filipino Shop mula sa Perth.
Katunayan, malaki ang pasalamat niya sa 2021 lalo’t nanalo siya bilang Business Migrant of the Year sa prestihiyosong Belmont and Western Australian Small Business Awards.
- Bukod sa Melissa's Supermarket, may restaurant din si Melissa na Kusina Republik at panaderia na Bread time
- Kahit na apektado ng COVID ang negosyo, tumulong pa din ito sa mga international student, seafarers at mga nawalan ng trabaho.
Malaki ang pasalamat niya sa Diyos at pamilya na nagbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon kaya naman nakahanda na siya para sa 2022.
"My vision is for me to be able to put our Philippine flag in that complex and call it Little Manila or Little Philippines. Ang nilulook forward ko this 2022 mas wide pa ang variety ko sa tindahan mas may services pa ako na services na ioffer sa kanila kasi parang iniisip mo ano pa ba meron na pero dahil wala kabang kapaguran kundi ano pa ba ang service na pwede ko ibigay sa kapwa Pinoy. "
Pakinggan ang kabuuang ulat: