Ating balikan ang kwento ng ilang estudyanteng naging tampok sa ating programa na naghintay at ngayo’y nakatuntong na ng Australia
Hindi makapaniwala ang International Student na si Nikki Angcao na nakatuntong na siya muli sa Australia… at sisimulan na ang buhay estudyante at higit sa lahat nakakapiling ang pamilya ngayong Pasko.
Ang kwento ni Nikki ay naibahagi ng SBS Filipino nitong Oktubre sa kasagsagan ng balitang magbubukas na ang Australia sa International students matapos ang matagal na pagsasara ng border.
"Sobrang saya, parang wala kaming chance na magiyakan kasi .. waaah.. Puro ganun na lang nang wala nang salita.. Parang ang saya saya na namin si Mama, tumatalon tapos picture picture. Eh kailangan mabilis sa airport kasi nga kailangan magswab test and all pero parang nung nahawakan ko sila parang dream come true. parang totoo ba to? Tootoo bang nangyari to? Parang ganun feeling ko "
Highlights
- Simula noong December 15, pinayagan ng makapasok sa Australia ang mga bakunadong international students na hindi na kailangan ang travel exemption.
- Kailangan ay may hawak na eligible visa, sumailalim sa COVID-19 test requirements bago lumapag sa bansa at kumpleto na ang bakuna na aprubado o kinikilala ng Australian Therapeutic Goods Administration.
- May iba’t ibang requirements din ang bawat estado o teritoryo na dapat sundin sa pagtuntong sa kanilang destinasyon kabilang na ang quarantine at COVID-19 test.
Ang kwento naman ni Mayson Javelona, international student mula sa Melbourne ay ibinahagi din ng SBS Filipino nitong unang linggo ng Disyembre matapos ipagpaliban ng gobyerno ang pagpapa-pasok ng mga international student.
Nakabook ang flight niya ng December 15 na nagbunsod ng kalituhan at dismaya. Inabangan ni Mayson ang mga anunsyo kung papalawigin pa ang pag-urong ng petsa ngunit pasalamat siyang nanatili ito sa a-kinse.
Bukod sa inaasam na makapagsimula ng pag-aaral sa Australia, sabik ding siyang makasama ang mapapang-asawa na nandito sa Melbourne.
"I feel so amazing, finally I can’t believe im already here in Australia and after how many sleepless nights and now finally here next thing I know Im already here in Australia and that was so surreal na feeling talaga. "