Coming Up Sun 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Isyu ng kababaihan inaasahang mabigyan ng solusyon at pundo ng gobyerno

Engender Equality CEO Alina Thomas Source: SBS

Matapos ang kontrobersya sa loob mismo ng parliament house sa Canberra, tinututukan ngayon ng mga kababaihan kung may epekto ba ito sa ilalabas na bagong federal budget ngayong araw. Superannuation, childcare at domestic violence, ilan lang sa mga isyu ng kababaihan na inaasahang magkakaroon ng kasagutan.

Magreretiro na sana  si Debbie Gunn bilang isang Disability support worker ngayon. Nagulat ang singkwenta y tres anyos na si Debbie ng kukunti pa lang ang kanyang superannuation contribution.

"It's really scary. Looking at the balance that I will have at age 60, there is no way I can reasonably retire, or partially retire, and do that comfortably and have any semblance of a lifestyle. I will have to continue working, and this is a physically intense industry, so it's going to be tough. It may mean that I have to make some really serious lifestyle choices if I physically can't continue in the role that I'm doing," kwento ni Debbie.

Tatlumput anim na taon  na sa serbiyo si Debbie at dahil di pa sapat ang kanyang  kontribyusyon di na nya alam kung paano nya tutustusan ang kanyang patanda.

"I'm not talking about luxury lifestyles - you know, holidays overseas several times a year - I'm talking about the difference between putting food on the table and paying the bills. It's just not good enough. I'm sick of it, and I want to see some real action happen for women.," dagdag pa nito.

Dito sa Australia,  40% na mas mababa ang superannuation ng mga kababaihan   kaysa mga  lalaki ibig sabihin ang average na matatanggap ng isang normal na retiree ay nasa $113000  lamang. Kaya ito ang isa sa mga problema na inaabangan na sanay mabigyang ng pansin ng mga tulad ni Debbie  ngayong isasapubliko na ang  federal budget sa taong ito. Ayon sa  general manager sa  superannuation at  investments company  na Colonial First State na si Kelly Power, kahit lumulubo  ang  populasyon ng mga kababaihan  na nagtatrabaho sa ngayon mahaba pa din kung  tawirin ang gendered superannuation gap.


 

 

  • gPrime Minister Scott Morrison na ang nagsabing tutugunan nila ng pansin ang sinasabing “ women problem”.
  • Hinihikayat ng mga eksperto ang mga kababaihan na komunsulta sa mga  financial expert para maiwasan ang maraming isyu pagdating sa panahon ng retirement.
  • Nanawagan din ang mga eksperto na sanay  isamang bayaran ng gobyerno ang parental leave  ng mga kababaihan at  tapusin ang tinatawag na gendered pay gap. 

 

"Superannuation guarantee employer contributions are a percentage of your salary, and we know that, on average, women earn less than men, so they're starting off with a l ower superannuation amount. In addition, many women take time off to have children and return to the workforce part-time. In many cases, when they're on parental leave, people aren't paid any superannuation during that period. So when you start to add up that impact, and you take into account compounding interest and returns, that can have a really meaningful impact when you hit retirement age, " ayon kay Power.

Nanawagan ngayon si Power  na sanay   isamang bayaran ng gobyerno ang parental leave  ng mga kababaihan at  tapusin ang tinatawag na gendered pay gap. 

"We've seen in our membership that if a woman goes and sees a financial adviser, she's 250% more likely to make a contribution. That's a pretty amazing stat. So if you do see a financial adviser, you're more likely to contribute, you'll have a better retirement outcome.," dagdag ni Power.

Noong nakaraang linggo, nangako ang gobyerno na maglalaan ng karagdagang 1.7 bilyong pundo para sa childcare. Sa layuning , matulungan silang mga low income na pamilya, na aabot lang sa 1$30,000 ang income  sa isang taon ng mag-asawa. Bagay na ikinagalak ng early childhood sector ng bansa. Pero ayon sa CEO ng early Childhood Australia Sam Page, sa susunod na Hulyo pa sa taong 2022 lalabas ang pundo.

"By international standards, Australian parents pay a lot more out-of-pocket costs than most countries that are like us. So if we compare ourselves to the UK or Canada or even New Zealand, Australian parents tend to be paying a lot more out-of-pocket costs. I wish that we could say that it impacted on parents equally, but the reality is that women are more likely to be the lower income-earner in a household, and that's why they are disproportionately affected. It's simply not feasible for them to work those additional hours because they either run out of subsidy or because their overall cost of childcare just doesn't match their income for those extra days," dagdag ni Page.

Dahil dito  mababawasan ang oras ng mga kababaihan sa pagtatrabaho dahil  kailangan nilang  bantayan ang mga anak.  Noong nakaraang taon, mas maraming budget ang inilaan sa sektor ng negosyo at konstraksyon  kung saan karamihan sa mga  nagtatrabaho duon ay  mga kalalakihan . halus wala ding ginagawang inisyatibo ang gobyerno para sa mga kababaihan.  Pero  ngayong taon, nakatuon ang mata ng gobyerno para sa mga kababaihan.Lalo ng nung lumabas ang alegasyon ng  isang dating nagtatrabaho sa parliament house na umanoy inabuso ito dun mismo sa loob ng opisina. Ayon kay Alina Thomas ang  CEO  ng Engender Equality  sa Tasmania. Na nagbibigay ng serbisyo upang bigyan ng lunas silang  mga may  isyu ng pang-aabuso sa pamilyapanahon na umanong bigyan ng pansin ang gobyerno ang isyung ito at bigyan ng sapat na pundo ang serbisyo  para sa mga kababaihan.

 "We’ve had the impacts of COVID-19, the disclosure of workplace culture in Parliament House, and we’ve now got Grace Tame as Australian of the Year - each of these events accentuates the importance of improving our family violence response. And so, in order to be able to address that increase in demand, it needs to be accompanied by an increase in resourcing," sabi ni Thomas.

 Dagdag ni Thomas,  wala silang tamang pundo para ipagpatuloy ang serbisyo kaya ang ibang kaso ng mga biktima ay nawawala na parang bula. At di na din natutugunan ang mga bagong mga biktima.

"I often say that there's not an acceptable amount of time that a victim of violence should have to wait for a service response," dagdga pa nito.

Ngayong araw, isasapubliko na ng buo ang federal budget at malalaman natin kung saan at anong sektor  ang gustong tutukan ng gobyerno sa taong ito.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Isyu ng kababaihan inaasahang mabigyan ng solusyon at pundo ng gobyerno 11/05/2021 07:00 ...
Ika-123 na taong kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Australia 12/06/2021 12:10 ...
Mga balita ngayong ika-12 ng Hunyo 12/06/2021 08:23 ...
Senior Moments at pag-alaga sa seniors, minsan nakakasakit ang sobrang pagmamahal 11/06/2021 14:17 ...
COVID-19 cases sa Mindanao at Visayas inaasahan patuloy ang pagtaas 11/06/2021 06:21 ...
Mga balita ngayong ika-11 ng Hunyo 11/06/2021 10:39 ...
Pagbabalik ng mga international student sa NSW, malawakang suportado 11/06/2021 05:56 ...
Maraming migrante umaalis ng Australya 10/06/2021 08:04 ...
Mga balita ngayong ika-10 Hunyo 10/06/2021 11:08 ...
Pagka-malikhain habang nasa quarantine: Filipino artist gumamit ng mga patapon na bag na papel bilang kanyang canvass 09/06/2021 11:52 ...
View More