Ligtas na pagbabalik-eskwela at solusyon sa kakulangan ng manggagawa ay ilan sa tinalakay ng mga lider ng bansa sa pagpupulong ng Pambansang Gabinete.
Inabot ng dalawang taon bago pumalo sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa Australya ngunit dalawang linggo lang ang binilang para maitala ng ikalawang milyon.
Patuloy ang pagtaas ng mga kaso sa gitna ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant.
Pakinggan ang buong ulat:
Mga natalakay sa Pambansang Gabinete:
- Pananatili ng depinisyon ng close contact at pitong araw pa din ang isolation sa mga nagpositibo sa COVID-19
- Hindi tinanggap ang mungkahi na ibaba ang edad sa 16 sa forklift drivers
- Bawat estado ay mag-aanunsyo ng kani-kanilang plano sa balik-eskwela