Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagpapadala ng pera sa pamilya, ayon sa finance broker na si Maria Papa. At para masigurong may sapat kang ipon habang patuloy ang iyong pera padala, may tatlong numerong kailangang tandaan - 50, 20 at 30.
Paano ko po kaya mababalanse ang pag-tulong at masiguro na makakapag-ipon pa rin ako?-Jimmy
Kamusta po?
Pinalad akong makapagpakasal last year noong June nang pansamantalang natigil ang
lockdown sa Melbourne. Sa pitong taon kong pamamalagi sa Australia…tuloy- tuloy lang po ang pagpapadala ko ng pera sa Pilipinas. Sinusuportahan ko ang aking dalawang kapatid na parehong may mga pamilya na.
Kung dati magaan pa ang buhay…ngayon po aminado akong baka mahinto ang aking padala kasi desidido na kaming mag-ipon ng aking misis para sa aming bahay. Sana po ay matulungan ninyo ako.
Paano ka makakasigurong sapat ang pera mo kung nagpapadala ka pa ng pera sa iyong pamilya? Kakayanin mo pa rin bang makaipon kung nagpapadala ka ng remittances kada buwan? Yan ang #MayPeraan question na galing kay Jimmy* sasagutin ng finance broker na si Maria Papa.
*HIndi niya tunay na pangalan
Highlights
- 50% ng iyong sweldo ang maaaring ilaan para sa mga bayarin at utang
- 20% naman ang pwedeng itabi para sa ipon
- 30% ang maaari mong gastusin para sa mga luho at non-essentials. Bahagi nito ay maaaring ilaan sa remittances.
1. Ilaan ang 50% ng iyong kita para sa mga bayarin at utang
Kailangan ng agad-agarang atensyon ang mga bayarin gaya ng renta, pagkain at utilities. Kailangan ito ang unang tuunan ng pansin bago ang iba pang gastusin.
2. Itabi ang 20% ng iyong kita para sa ipon
O 25% ng kita (kung posible) ay dapat automatic ng iniipon.
Para sa short-term, mahalaga ang ipon kapag kailangan mo ng pera sa oras ng kagipitan. Ayon kay Maria, ang naipon mo ay dapat magtagal ng tatlo hanggang anim na buwan ng wala kang kita.
Para sa long-term, gamit ang ipon, maaari mong maaabot ang iyong mga pangarap, gaya ng pagkakaroon ng bahay.
"Buying a house is the start of your weath-building. The value of a house increases over time. If let's say you work 40 more years, you want to be able to retire with a roof over your head and a fully paid house," saad ni Maria.
3. Gamitin ang 30% ng iyong kita para sa mga luho (at remittances)
Kasama dito ang mga discretionary expenses gaya ng pagkain sa labas at bakasyon.
Kuhanin ang pera para sa remittances mula sa 30% na ito.
"In my experience and observation, many who send remittances to their family typically send around 500-1000 AUD a month," sabi ni Maria.
Hindi naman masamang tumulong sa pamilya, ayon kay Ms Maria Papa. Pero aniya dapat subukang di gamitin ang ipon para sa padala.
"Some clients of mine work as nurses and what they do is do a bit overtime and that's what they send back home. The good thing is the conversion of peso to dollar is significant," aniya.
BASAHIN / PAKINGGAN DIN
Ang 'May PERAan' ang pinakabagong podcast series ng SBS Filipino. Abangan tuwing Martes, sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.
Kung may nais kayong itanong kaugnay sa pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.