Libo-libong katao ang napilitang lumikas sa kanilang mga tirahan sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas habang malaking pinsala ang naiulat sa pagdaan ng Bagyong Odette
Ramdam ang lakas ng Bagyong Odette na may taglay na maximum sustained winds na umabot sa 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 270 kilometro bawat oras kahapon.
Highlights
- Ayon sa NDRMC, halos 100,000 tao ang inilikas mula sa Regions 7, 8, 10 at CARAGA Region, bilang pag-iingat sa pananalasa ng bagyo
- Dalawang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 ang na-detect sa PIlipinas
- Sinimulan na ang Simbang Gabi na may limitadong kapasidad sa loob ng mga simbahan
Listen to SBS Filipino 10am-11am daily
Follow us on Facebook for more stories