Coming Up Fri 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Lockdown sa Victoria inaasahang matatapos na sa huling linggo ng Oktubre

Victorian Premier Daniel Andrews. Source: Getty

Inalabas na ng Victoria ang kanilang plano para maka-alis sa lockdown ang estado. Unti-unting mararamdaman ang pagluluwag ng restriksyon habang dumadami ang nagpapabakuna.

Mula ika- 26 ng Setyembre, unti-unti nang babawasan ang mga paghihigpit sa Victoria sa ilalim ng roadmap sa pag-alis ng lockdown sa estado.

Ayon kay Premier Daniel Andrews pag-aaralang mabuti ng pamahalaan ang planong pagbubukas base sa pagbabago sa bilang ng nagkakasakit


 

Highlights

  • 80% ng  Victorians edad 16 pataas ay inaasahang nakatanggap na ng first dose ng vaccine sa September 26
  • Inaasahang maabot ang 70% ng fully vaccinated na populasyon sa ika-26 ng Oktubre
  • Mas maraming pagluluwag ang mararanasan bago mag-Pasko

 

Kapag naabot na ang 80% na target sa unang dose ng bakuna, pwede nang mamasyal ulit at gawin ang mga outdoor recreations. Pero limitado ito sa hanggang limang tao.

Mula 5km, magiging 10 hanggang 15kms ang pwedeng puntahan.

Makakabalik na rin sa eskwelahan ang mga year 12 students pagpatak ng October 5.

Kasabay ng pagkakaroon ng 80% na fully vaccinated na populasyon ang pag-alis ng lockdown sa Melbourne. Inaasahang magaganap ito sa October 26.

At kapag fully vaccinated na ang 80% ng Victorians, ang mga nasa Regional Victoria at Metropolitan Melbourne ay magkakaroon ng parehong restriksyon.

Inaasahan ni Premiere Andrews na sa pasko ay pwede nang magtipon ang hanggang 30 tao at pwede na rin ang interstate travel.

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Lockdown sa Victoria inaasahang matatapos na sa huling linggo ng Oktubre 22/09/2021 03:15 ...
Australyano nakakaranas ng lubhang stress 09/12/2021 05:01 ...
Is crypto worth investing? 09/12/2021 07:14 ...
Mga balita ngayong ika 9 ng Disyembre 09/12/2021 13:52 ...
What is Cryptocurrency and should you invest in it? 09/12/2021 11:04 ...
A 'Berry' Merry Christmas Tree 08/12/2021 13:16 ...
Australia magsasagawa ng diplomatic boycott sa 2022 Winter Olympics sa Beijing 08/12/2021 01:53 ...
Provisional approval para sa Pfizer vaccine sa mga bata 5-11 taong gulang 08/12/2021 10:02 ...
Mga balita ngayong ika-8 ng Disyembre 08/12/2021 09:13 ...
How do you overcome FOHPO or Fear of Having People Over after the lockdowns? 08/12/2021 04:32 ...
View More