Para sa karamihan na magdiriwang ng Lunar New Year, “pamilya ang pinakamahalagang bahagi ng mga pagdiriwang."
Para kay Shaun Luo, isang Chinese international student, malaking bahagi ng pagdiriwang ng Lunar New Year ang pagsasama-sama ng pamilya.
Bagaman malayo sa kanyang pamilya, sinisiguro ni Shaun na hindi siya nakakalimot sa kanyang pamilya.
Kwento ni Shaun, kasama sa taunang pagdiriwang ng Lunar New Year ang paghahanda ng pagakain katulad ng dumplings at isda. At batay sa kanilang paniniwala, ang mga pagkaing ito ay nagdadala ng swerte.
"Fish symbolizes family togetherness and [to us'] family comes first."
Para naman sa isang Vietnamese student na si Thanh Nguyen, sasalubungin niya ang Lunar New Year kasama ang ilang mga kaibigan.
“We always have a very big dinner for New Year’s Eve. We will cook traditional Vietnamese food like Chung cake, spring rolls, bamboo soup and candy fruit, which is a big hit for kids.”
"As per Vietnamese tradition, we prepare 5 kinds of fruit that symbolizes prosperity and happiness."