Coming Up Wed 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Lupus survivor ibinahagi ang paggaling mula sa sakit

Source: Anna Garcia

Na-diagnose si Anna Garcia ng sakit na Lupus sa edad na 18 taong gulang. Makaraan ang dalawampu't anim na taon, siya na ngayon ay lupus-free at nais niyang ibahagi kung paano niya nalabanan ang sakit.

Ang Lupus ay isang autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ng katawan ang sarili nitong tissue at organ.  Nagkakaroon ng pamamaga na maaring makaaepkto sa iba't-ibang bahagi ng katawan kabilang ang joints, skin, kidney, blood cells, brain, heart at lungs.

Sa murang edad na labing walo ay na-diagnose si Anna Garcia ng Lupus. Ayon sa kanyang doktor, walang gamot ang kanyang sakit.

Ngunit makalipas ang ilang taon, lupus free na siya sa tulong ng maagang diagnosis, gamot, pag-iwas sa stress, at ang pinakamalaking tulong, aniya sa kanyang paggaling ay ang pag-practice niya ng meditation at positbong pag-iisip.

Ngayon, nais niyang magsilbing inspirasyon ang kanyang kwento sa mga may pinag-dadaanang mga autoimmune disease.


Highlights 

  • Ang lupus ay isang autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ang sarili nitong tissue at organ
  • Sa loob ng ilang taong pag-meditate, naging 0 ang lupus dna antibody blood test niya mula 1200
  • Hikayat niya sa mga lumalaban sa sakit na huwag mawalan ng pag-asa at maging bukas sa paggaling

 

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan. 

Makinig sa SBS Filipino 10 -11 ng umaga araw-araw

I-Like at Follow sa Facebook

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Lupus survivor ibinahagi ang paggaling mula sa sakit 26/10/2021 11:23 ...
Caring from a distance 25/01/2022 07:47 ...
Magkano ang kailangang pera para sa In vitro Fertilisation (IVF)? 25/01/2022 11:20 ...
Reaksyon ng mga Pilipino sa paboritong pagkain ng mga Australyano 25/01/2022 04:05 ...
Mga balita ngayong ika-25 ng Enero 25/01/2022 09:50 ...
Concession card holders maaari ng makakuha ng libreng RAT tests 25/01/2022 10:01 ...
Plano ng Victoria at NSW sa pagbabalik eskwela ng mga bata, kasado na 24/01/2022 03:52 ...
Mga diskarte ng Pinoy restaurant sa Melbourne para hindi magsara ang negosyo 24/01/2022 10:05 ...
Mga balita ngayong ika-24 ng Enero 24/01/2022 07:38 ...
Mga balita ngayong ika-23 ng Enero 23/01/2022 09:26 ...
View More