Coming Up Fri 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Magkasintahan, sinubok mag-vlog upang maghatid inspirasyon

Habang kadalasan sa mga magkasintahan ay mas pinipili ang pribadong buhay, sa pamamagitan ng kanilang mga vlog ay naghahatid ng inspirasyon at kasiyahan ang magpares na sina Kikay at Kengkoy.

Higit pa sa paghahatid ng saya, layon ng magkasintahan na sina TJ Nick Adelino at Emerald Stone na magbigay inspirasyon sa kanilang mga manonood sa pamamagitan ng mga laman ng kanilang vlog.

Dinala ng dalawang buwang magkasintahan ang kanilang relasyon sa susunod na lebel sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kanilang pang-araw araw na buhay kabilang na ang kanilang mga di pagkakasundo.

Sinabi ni Mr Adelino tinawag na "Kikay at Kengkoy” ng kanyang ina ang kanilang vlog.

"We just started [our vlog]. When we were driving my mum to the airport she was the one who named us as Kikay and Kengkoy kasi kikay na kikay daw siya kaya Kikay, at kengkoy kasi makulit daw ako, so might as well claim it.”

Kikay at Kengkoy
Kikay at Kengkoy
Kikay at Kengkoy

Habang dumarami na ang mga vloggers ngayon, Sinabi ni Ms Stone na nakatuon ang kanilang vlog sa pagbabahagi ng mga aral ukol sa pagibig at buhay, at kanilang mga magkaibang persepsyon ukol sa iba’t-ibang paksa.

"What we wanted to do is to influence. When we talk about love and life, every person has his or her own views. [In the vlog] I ask him questions about a topic and he will share the male perspective while I share the female perspective.”

Ibinahagi din ni Ms Stone na totoo ang kanilang mga vlog at tulad ng mga karaniwang magkasintahan, makikita din ng kanilang mga manonood ang kanilang mga away at di pagkakasundo sa mga video.

"We argue in our vlogs so you can see the reality in it and you can see that in a relationship, its always about communication, respect and love, if you don't work as a team, it won't work.”

Makinig sa  SBS Filipino 10am-11am 

I-like at Sundan kami sa Facebook

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Magkasintahan, sinubok mag-vlog upang maghatid inspirasyon 16/11/2019 09:40 ...
SEA Games na atleta sa Jiu-Jitsu ibinahagi na mas mahalaga ang stratehiya kaysa laki 06/12/2019 09:50 ...
Davao City layuning maabot ang 100% pagpabakuna laban sa polio 05/12/2019 09:27 ...
Isang tattoo artist ukol sa pagtatatu at pagiging mentor 05/12/2019 10:22 ...
Mga teen-ager umiinom ng alak, mas nalalagay sa panganib sa 04/12/2019 06:02 ...
Isang chef, nilagyan ng Pinoy twist ang pagkaing Bush Tucker 04/12/2019 12:12 ...
Huwag magpabaya, siguruhin ang kaligtasan sa pool 03/12/2019 06:55 ...
Balik sa mga pangunahin - nagsusulong ng mga pananim na nawawala na sa mga lutuin 01/12/2019 07:42 ...
Kalusugan ng kaisipan, kapaligiran ang nangunguna sa listahan ng mga alalahanin ng mga kabataan 30/11/2019 07:58 ...
Australian Coach ng Women's Underwater Hockey Team sinabing handa na ang Pilipinas para sa Ginto 30/11/2019 13:11 ...
View More