Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Mga apektado ng Section 48 bar ng Migration Act sa Australia, pinayagan nang mag-apply ng skilled visa

The Department of Home Affairs has lifted the section 48 bar for subclass 491, 494 or 190 onshore applicants Source: Getty Images

Pinapayagan nang mag-apply ng visa subclass 190, 494 at 491 ang mga aplikante na nasa Australia kahit nagkaroon ng refusal at cancellation ang dati nilang aplikasyon.

Binago ng Department of Home Affairs ang patakaran ng S48 bar para sa mga onshore visa applicants na apektado ng COVID-19 pandemic.


 

Highlights

  • Hindi na kailangan lumabas ng Australia para i-lodge ang visa
  • Maari nang mag-apply ng sumusnod na visa ang mga onshore applicants

Subclass 491 - Skilled Work Regional (Provisional) visa
Subclass 494 - Skilled Employer Sponsored Regional (Provisional) visa
Subclass 190 - Skilled Nominated visa

  • Ang visa subclass 190, 491 at 494 ay mga visa na targeted para skilled migrants upang mapunan ang kakulangan ng manggagawa sa regional areas

 

Ano ang S48?

Paliwanag ng Registered Migration Agent na si Em Tanag, ang section 48 ay isang provision ng Migration laws ng Australia kung saan ang isang aplikante na mayroon nang cancelled visa o refused application habang nasa loob ng Australia ay nililimitahan ng makapag-apply ng panibagong visa habang nasa bansa, kung sila ay nakabridging visa o walang hawak na visa.

"Kung ang aplikante ay section 48 barred ang pwede na visa lamang na pwede nila apply habang sila ay nasa Australia ay ang mga sumusunod, partner visa, protection visa, medical treatment visa, territorial asylum, border , special category, bridging visas mula a hanggang r. Resolution of status, child visa, retirement temporary visa, investor retirement visa."

"Kung ang visa na i-apply ng aplikante na section 48 barred ay wala sa listahan na ito. Kinakailangan nila lumabas ng Australia upang mag-lodge ng panibagong application. Dahil sa international travel ban ng Australia because of COVID-19, karamihan sa mga section 48 barred applicants na lumabas ng Australia para magpply ng bagong visa, must also wait for the results of their new application outside australia except yung mga nakapag exit sa New Zealand nung meron pang transtasman travel bubble."

Noong October 30, inanusyo ng pamahalaan ang mga pagbabago sa batas para bigyan ng oportunidad ang mga skilled migrants sa Australia na maipagpatuloy ang aplikasyon. 

Magiging legal ang pananatili nila sa Australia dahil bibigyan sila ng temporary visa habang naghihintay tulad ng bridging visa C at E.

 

 

 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Mga apektado ng Section 48 bar ng Migration Act sa Australia, pinayagan nang mag-apply ng skilled visa 08/11/2021 08:56 ...
Is having a YOLO mentality a good or bad thing? 22/01/2022 07:57 ...
Football in the Philippines: "Not just for rich kids" 22/01/2022 07:42 ...
Mga balita ngayong ika-22 ng Enero 22/01/2022 05:49 ...
Ilang botika sa Pilipinas nagtuturok na ng COVID-19 booster shots 21/01/2022 05:03 ...
Mga problema sa buhok nakakawala ng kumpiyansa sa sarili ayon sa survey 21/01/2022 10:33 ...
Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Australya, lumampas na ng dalawang milyon 21/01/2022 05:43 ...
Pinay Footballer, pangarap na makapasok ang Pilipinas sa World Cup 21/01/2022 08:06 ...
Mga balita ngayong ika-21 ng Enero 21/01/2022 08:12 ...
How the traditional Filipino healing art of hilot gave this woman a second chance 21/01/2022 10:30 ...
View More