Aminado ang mga may-ari ng restaurant sa Melbourne na hirap pa din sila makabawi sa kanilang negosyo. Pero sa halip na sumuko, sumusubok pa din sila ng iba't-ibang paraan para hindi sila tuluyang magsara.
Nagsara na ang mga katabing negosyo ng restaurant ng business partners na sina Nicole Ting at Mark Vasquez kaya bagaman nariyan ang pangamba, mas nais nilang tutukan ang mga dapat gawin upang patuloy na maging bukas ang kanilang negosyo.
Pakinggan ang buong ulat:
Highlights
- Ayon sa data mula Google Mobility, 54% ang ibinaba ng paggalaw ng mga tao sa Melbourne at iba pang malalaking syudad sa Australia
- Nagsimula sa food service delivery noong June 2020, nagbukas sina Mark at Nicole ng restaurant noong August 2021
- Bagaman kahit papaano'y unti unti nakakabawi, malaki pa din ang nalugi dahil sa lockdown at restriksyon kaya umaasa sila muling suportang pinansiyal ng gobyerno