Coming Up Fri 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Mga Filipino-Australian performers bibida sa 'Pasko Na Naman' event

Source: Getty Images

Nagsimula nang mag-organisa ng mga event ang malalaking Filipino organisation na makakatulong sa komunidad at Pinoy performers na matagal natengga dahil sa lockdown.

Taong 2020 pa nang matigil ang maraming bagay na nakasanayan natin, tulad ng mga malalaking pagtitipon at events na kadalasang bahagi na ng buhay ng mga tao sa komunidad.

Gaya na lang ng Filipino Fiesta Kultura event sa pangunguna ng Philippine Australian Sports and Culture Inc.
Ito na sana ang ika-35 taon ng pagsasagawa nila ng Fiesta Kultura event pero dahil sa pandemic, naudlot ito.

Pero kasunod ng pagtaas ng vaccination rate sa bansa, at pagluluwag ng mga restriksyon, unti-unting nabuhayan ng loob ang maraming organisasyon na ituloy ang mga event ngayong Pasko.


 Highlights

  • Layunin ng community events ngayong Pasko na makakatulong sa mga kababayan at ma-improve ang mental health ng bawat isa
  • Itatampok ang pagbabalik sa entablado ng mga local singers at performers na naapektuhan ng pandemya
  • Kumpiyansa ang organisasyon sa pagkakaroon ng mataas na vaccination rate ng mga Pilipino sa NSW

Pagkakataon din ito para sa mga performers na makabalik sa entablado matapos ang mahabang panahon ng restriksyon sa kanilang hanap-buhay. 

Bagaman may mga pangamba dahil sa pagpasok ng bagong variant ng coronavirus na Omicron sa Australia, kumpiyansa si  Marivic Flores, Pangulo ng PASC Inc na maipapatupad ng maayos ang mga health protocols para sa darating event. Bukod dito, isa sa may pinakamataas na vaccination rate ang Filipino community sa mga multicultural groups sa estado.

Aabangan sa Pasko na Naman event sa Sabado, ika 4 ng Disyembre ang performances ng mga Filipino Australian singers na sina Fasika, Miguel Castro, Emerson Tuazon, Sophie Dalisay at marami pang iba. Gaganapin ito sa West HQ sa Rooty Hill sa ganap na 6:30 ng gabi. Susundan ito ng pagbibigay ng mga regalo at grocery package para sa mga benepisyaryo ng kanilang Ayuda sa Kapwa.

Maraming Filipino Community Organisations na ang nagkasa na ng kanilang mga Christmas events sa mga susunod na araw. Habang hindi makapiling ang mga mahal sa buhay sa Pilipinas, sa mga kainan, pakikipagsaya at kantahan kasama ng mga kaibigan na muna idadaan ng marami ang selebrasyon ng pasko.

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Mga Filipino-Australian performers bibida sa 'Pasko Na Naman' event 01/12/2021 03:45 ...
Ano ang Lunar New Year at paano ito ipinagdiriwang sa Australia? 27/01/2022 11:20 ...
Kakulangan ng suplay ng rapid test kits, ramdam din ng ilang Pinoy sa Australia 27/01/2022 07:17 ...
Mga balita ngayong ika-27 ng Enero 27/01/2022 08:20 ...
Pagdiriwang ng Australia Day sa Canberra: 'Reflect, Respect at Celebrate' 26/01/2022 11:49 ...
Paano nga ba gunitain ang ika-26 ng Enero nang may respeto? 26/01/2022 05:40 ...
Mga balita ngayong ika-26 ng Enero 26/01/2022 09:39 ...
Australia Explained: Bakit malapit sa puso ng mga Aussie ang karagatan? 26/01/2022 15:29 ...
Magkano ang kailangang pera para sa In vitro Fertilisation (IVF)? 25/01/2022 11:20 ...
Reaksyon ng mga Pilipino sa paboritong pagkain ng mga Australyano 25/01/2022 04:05 ...
View More