Coming Up Sun 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Mga international students dismayado sa pagpapaliban ng inaasahang pagbukas ng Australia

International students Mayson Javelona and Grace Dizon Source: TJ Correa

Dismayado ang ilang Filipino international students sa pag-delay ng gobyerno sa inaasahang pagbubukas ng Australia.

Tila pinagbagsakan ng langit si Grace Dizon, isang international student matapos mabalitaan ang pagpapaliban ng dalawang linggo ng Australian government sa planong pagbubukas ng international borders para sa mga fully vaccinated eligible temporary visa holder.

Ang sana’y a-uno ng Disyembre, na-urong ng a-kinse dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant na omicron.

"Nashock, naiyak ako kasi 50k yung ticket so parang ang hirap irebook kasi naghahanap ka na naman ng flight. Yung mga plans and preparations mo and all mababago na naman."

Ang international student naman na si Mayson Javelona, mas matindi ang pagkalito lalo pa’t ang kanyang flight ay naka-schedule mismo ng December 15.

"Original ko is 15 talaga, advise ng airlines mag-16 ka na lang kasi baka magcancel yung airline mismo. So I went sa 16 , they moved me to 18 kasi nacancel nga yung 16. Pinarebook ko yung flight ko from 18th of December to 15th of December. So paano ito eh 15 talaga flight ko? Nagulantang talaga ako sa news na nabasa ko."


Highlights 

  • Ayon sa gobyerno, ang naturang pagpapaliban ay magbibigay ng panahon para sa health authorities na masuri at mapag-aralan ang bagong covid-19 variant.

  • Pinagbawalan makapasok sa bansa ang mga hindi Australian citizen na galing sa South Africa, Namibia, Zimbabwe, Botswana, Lesotho, Eswatini, Malawi at Mozambique.

  • Tinatayang 200,000 international students, skilled workers, humanitarian visa, working holiday, provisional family visa holders at iba pa ang apektado ng anunsyong pagpapaliban ng pagbubukas ng borders.

Pakinggan ang podcast 

 

Mga international students dismayado sa pagpapaliban ng inaasahang pagbukas ng Australia
00:00 00:00

Sa kasalukuyan, lahat ng mga papasok ng bansa ay dapat sumailalim sa P-C-R test at kailangan mag-self isolate ng pitumpu’t dalawang oras matapos lumapag ng New South Wales, Victoria at Australian Capital Territory.

Panawagan ni Grace Dizon na sana ay may konkretong plano ang gobyerno para sa mga tulad nilang international students.

"Sana yung makatao lang as a person kasi syempre may emotion din kami nahe-hurt may pride din, lalo na parang ganyan na bibingiyan kami ng hope ng government then afterwards hindi na naman. Sana maconsider din yun ng government kasi they promise na once na -hit na yung 80 per cent, then magre reopen na ang Australia pero look hindi na naman natupad ang pangakong yun."

 

Makinig sa SBS Filipino 10am-11am

Sundan sa Facebook 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Mga international students dismayado sa pagpapaliban ng inaasahang pagbukas ng Australia 02/12/2021 07:48 ...
Mga balita ngayong ika-29 ng Enero 29/01/2022 06:46 ...
Mga senior citizen, todo ang pasasalamat sa Australia 28/01/2022 08:21 ...
Mga balita ngayong ika-28 ng Enero 28/01/2022 09:59 ...
Ano ang Lunar New Year at paano ito ipinagdiriwang sa Australia? 27/01/2022 11:20 ...
Pagbili ng RAT kits, pahirapan pa din 27/01/2022 07:17 ...
Mga balita ngayong ika-27 ng Enero 27/01/2022 08:20 ...
Pagdiriwang ng Australia Day sa Canberra: 'Reflect, Respect at Celebrate' 26/01/2022 11:49 ...
Paano nga ba gunitain ang ika-26 ng Enero nang may respeto? 26/01/2022 05:40 ...
Mga balita ngayong ika-26 ng Enero 26/01/2022 09:39 ...
View More