Mahigit isang libong migranteng kababaihan ang iniimbitahan na makibahagi sa pinakamalaki at longest running study ng Australia sa kalusugan ng mga kababaihan.
Ang pag-aaral ay nagsimula pa noong 1996 at ngayon ay kabilang na ang mga kababaihan mula sa apat na henerasyon.
Kabilang sa pag-aaral ang aabot sa isang libong kababihan na ipinanganak sa mga bansang mula sa South, Southeast at Northeast Asian na mga bansa simula 1973 hanggang 1978.
Ang pag-aaral na pinondohan ng department of health ay mag eeksamin sa mga kababaihan kada tatlong taon.
Highlights
Sisiguruhin ng mga kabilang sa pag-aaral na matutukan ang mga problema sa kalusugan ng kasalukayang populasyon.
Ang mga nakalap na impormasyon ay ginamit upang makabuo ng mga polisiya kabilang ang kasalukuyang national women's health strategy ng Australya na nakatutok sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga kababaihan.
- Isa sa nais nilang tugunan ay ang problema sa medicare eligibility.
Pakinggan ang audio
Sa mga migranteng kababihan na pinanganak sa pagitan ng 1973 at 1978 na nais makibahagi ay makakakuha ng impormasyon sa ALSWH website.