Bagaman malayo sa Pilipinas, hindi napigilan ang mga tagasuporta sa Australia ng mga kandidato sa halalan na magsagawa ng kani-kanilang pagtitipon.
Pakinggan ang audio:
Highlights
- Nitong Miyerkules (ika-11 ng Mayo), nagsagawa ng protesta at prayer rally ang iba’t ibang grupo na sumusuporta kay Vice-President Leni Robredo sa Federation Square Melbourne kung saan dumalo din ang Australyanong Madre at human rights campaigner na si Sister Patricia Fox na nadeport mula sa Pilipinas.
- Ang kampo naman ng mga sumusuporta sa tambalang Marcos-Duterte, kasado na ang mga victory party at pagtitipon na gagawin sa iba’t ibang bahagi ng Australia.
- Panglima sa pinakamalaking populasyon ng migranteng komunidad sa Australia ang mga Filipino na aabot sa mahigit 300,000, hindi pa kasama ang mga international students at temporary workers at mahalaga sa mga ito na marinig ang kanilang boses kahit malayo sa Pilipinas.
Hindi malimutan ni Carlos 'Charlie' Ocampo ang dinanas bilang aktibistang pulitikal sa Pilipinas sa ilalim noon ng Martial Law ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior kaya hindi nito matanggap na babalik sa kapangyarihan ang pamilya Marcos.
Isa si Charlie sa mga nag-organisa ng protesta sa Melbourne na dinaluhan ng mga taga-suporta ni Bise Presidente Leni Robredo.
Si Rado Gatchalian mula sa Sydney, sinuportahan noong 2016 si Pangulong Rodrigo Duterte at giit niyang si Ginoong Marcos ang may kakayahang magpatuloy ng mga sinimulan nito.
Ang kampo ng mga sumusuporta sa tambalang Marcos-Duterte, kasado na ang mga victory party na gagawin sa iba’t ibang bahagi ng Australia.