Coming Up Mon 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
SBS FILIPINO

Mga Skilled visa at paraan para sa permanenteng paninirahan sa Australia

The Skill stream accounts for nearly half of Australia's permanent migration program this year. Source: Getty Images/ john Clutterbuck

Isa ang Australia sa may pinakamaking programa ng migrasyon sa hanay ng mga maunlad na bansa sa mundo. Nasa 160,000 na permanent visa ang ibinibigay bawat taon.

Habang tumigil ang pagdating ng mga overseas migrants dahil sa pandemya ng COVID-19, maswerte naman iyong mga naka-temporary visa na nasa Australia na dahil may mga oportunidad para sa kanila.

Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang lawak ng programa ng Australia para sa permanent migration ayon sa mga pangangailangan sa lipunan, pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa. 


 Highlight

  • Noong 1996–97 ang skilled migration ay bumubuo sa 50 porsyento ng programa ng migrasyon. Ngunit pagsapit ng 2008–09 tumaas ang bilang na iyon sa 70 porsyento.
  • Para sa kasalukuyang taong pinansyal, 160,000 ang limit ng kabuuang bilang na tinatanggap ng Australia.
  • Nasa 13,000 na aplikante ang tumanggap ng 189 visa subclass (skilled independent) noong nagdaang taong pinansyal. 

Batay sa permanent migration program, ang Skill stream ang may pinakamataas na bilang ng alokasyon para sa visa at ito'y nahahati sa iba`t ibang mga kategorya ng kasanayan: Skilled independent, employer-sponsored, Regional, State/Territory nominated, Business Skills and Global Talent Independent program.

Skilled Independent Subclass 189 visa

Ang Skilled migration visa subclass 189, 190 at 491 ay pawang mga points-tested visa. Ang bawat visa na nabanggit ay nangangailangan ng minimum na 65 points, kino-kompute base sa ilang aspeto tulad ng edad ng aplikante, karanasan sa trabaho, husay sa wikang Ingles, kwalipikasyon ng kapareha o asawa, at iba pa.

Migration to Australia
A state or territory government nomination adds addition points towards a points-tested visa.
Getty Images/ FatCamera

Sa hanay ng skill stream, pinakamataas ang kompetisyon para sa Subclass 189 at 190 visas, at maaari lamang mag-aplay kung ikaw ay naimbitahan.Sa ilalim ng skilled Independent visa (Subclass 189), pinapayagan ang isang visa holder na manirahan at magtrabaho saan man sa Australia nang walang nakakabit na anumang kondisyon. 
 
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa iba't ibang visa at programa ng migrasyon, magtungo sa Department of Home Affairs website, o makipag-ugnayan sa isang Registered Migration Agent para sa partikular na payo.
 

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Mga Skilled visa at paraan para sa permanenteng paninirahan sa Australia 15/04/2021 11:13 ...
Mga balita ngayong ika-16 ng Mayo 16/05/2021 07:23 ...
Australia umangkat ng 25 milyong doses ng Moderna vaccine 16/05/2021 06:14 ...
Mga balita ngayong ika-15 ng Mayo 15/05/2021 10:32 ...
Mabagal na roll-out ng bakuna sa ilang lugar nireklamo 14/05/2021 07:22 ...
Mga balita ngayong ika-14 ng Mayo 14/05/2021 09:45 ...
Tiis-tagumpay na karanasan ng isang international student sa Australia 13/05/2021 06:01 ...
Libreng English classes para sa mga migrante 13/05/2021 08:04 ...
Balita ngayon ika 13 ng Mayo 13/05/2021 11:33 ...
Tulong para sa mga kababaihan sa pampederal na budget 12/05/2021 16:31 ...
View More