Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Migrant workers mula sa mga Asian nations, mabibigyan na ng pagkakataong maging permanent resident

Both sides of politics agree workforce issues are among the agriculture sector's most pressing. (AAP) Source:

Mabibigyan na ng pagkakataon na maging ganap na Australian permanent resident ang mga manggagawa na nasa agricutural industry. Ito ay sa pamamagitan ng ilalabas na agricultural visa ng Australian government.

Ito umano ang pinakamalaking reporma na nagawa sa Australian agricultural laborer at naglalayon na mabigyan ng pantay na opportunidad ang mga migrant workers na manirahan sa Australia ng permanente.


Highlights 

  • Nakatakdang ilabas sa katapusan ng Setyembre ang agricultural visa
  • Mabibigyan ng oportunidad ang nasa meat processing, fisheries at forestry sectors, at fruit and vegetable picking
  • Ito ang pagkakataon ng mga migrante mula sa Asian nations na maging permanent resident sa Australia

Ayon sa immigration agent na si Joy Arellano isa umanong kasagutan ang visa na ito sa napakaraming manggagawa na nangangarap na magkaroon nang katatagan matapos ang ilang taong pagiging manggagawa sa mga agricultural companies.

"I think its an naswered prayer sa mga migrant worker na nasa Agricultural industry. Marami sa mga nasa ganyang field ang hangarin na maging permanent resident. Yun nga lang zero to none ang opportunity or ang makakapitan nilang visa para maging permanent resident kasi karaniwan diyan mga naka student visa or holiday visa."

Ayon kay Joy, makakapag hikayat pa umano ito ng mas mraming manggagawa na magtrabaho sa Australia ngunit sa kaniyang palagay ay maapektohan ang magandang hangarin na ito nang global pandemic.

Kalakip sa agricultural visa na ito ay ang pagbibigay oportunidad sa mga manggagawa na nasa meat processing, fisheries at forestry sectors, at fruit and vegetable picking.

Hiling lamang niya na sana ay maging malinaw ang ipapatupad na agriculture visa na nakatakdang ilabas sa katapusan ng Setyembre.

Mensahe naman ng mga immigration agent na kung kasado na ang agriculture visa na ito ay baka napapanahon na upang bigyang din ng reporma ang mga solusyon partikular na sa pagka-quarantine.

 

Makinig sa SBS Filipino 10 -11 ng umaga araw-araw

I-Like at Follow sa Facebook

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Migrant workers mula sa mga Asian nations, mabibigyan na ng pagkakataong maging permanent resident 09/09/2021 05:07 ...
'Sound of Christmas from Asia Pacific': Ipinagdiriwang ang iba't ibang kultura ng Australia 06/12/2021 12:53 ...
Parents weigh their decision on getting their younger kids vaccinated 06/12/2021 09:00 ...
Mga balita ngayong ika-6 ng Disyembre 06/12/2021 15:01 ...
'I feel a sense of achievement': Pagboboluntaryo ng isang Pilipinong estudyante sa Sydney 05/12/2021 11:22 ...
Mga balita ngayong ika-5 ng Disyembre 05/12/2021 07:26 ...
Mga balita ngayong ika-4 ng Disyembre 04/12/2021 05:02 ...
Department of Health binabantayan ang mga dumarating sa bansa sa Omicron Variant 03/12/2021 07:56 ...
Ambassador de la Vega ibinahagi ang Philippine Christmas experience sa mag-aaral sa Canberra 03/12/2021 13:33 ...
Bilang ng namamatay sa kanser bumaba 03/12/2021 07:52 ...
View More