Coming Up Tue 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

Milyong dolyar na halagang multa dahil sa paglabag sa Covid-19 public health order, hirap mabayaran

Source: SBS

Umabot sa ilang milyong dolyar ang halaga ng multa ang naitala sa estado ng Victoria at New south wales, dahil sa paglabag ng Covid-19 public health orders. Sa pinakahuling datos sa new south wales, simula katapusan ng hunyo 2020 hanggang Setyembre 2021, umabot sa 24 milyong dolyar ang multa at 1.6 milyon lang dito ang nabayaran.

Inamin ng mga abogado ng mga residenteng may multa dahil sa paglabag ng Covid-19 public  health orders , nahihirapang makabayad ang kani-kanilang kliyente.  At isa sa tinuturong rason ay ang walang pera na pambayad.

Sa datos ng New South Wales,  sa 4 na milyong dolyar na  halaga ng multa na naitala, kalahati lang nito ang nakabayad simula noong Marso 2020 hanggang Marso 2021.


 

Highlights

  • Sa datos ng Fines Victoria umabot sa $55 milyon ang naitalang multa mula Marso hanggang  kalagitnaan ng Hunyo nitong taon
  • 5% ng mga Covid-19 offenders  mula April 2020 hanggang Marso 2021 sa Victoria ay mula sa Indigenous People
  • Legal professionals hiniling na suriin ang oversight panel sa Fines Victoria para sa mas patas na sistema

 

Lumubo naman ang bilang ng may multa sa victoria, na umabot sa $55 milyon at 5.7 milyon lang ang nabayaran sa ngayon. Ayon kay Tiffany Overall na isang Advocacy at Human Rights Officer  sa Legal Rights Centre, Youth Law Karamihan sa mga namultahan ay hirap din dahil sa epekto ng pandemya at iilan lang ang nakipag-ugnayan sa mga otoridad para sa legal assistance dahil hindi makapagbayad.

"Kaunti lang sa mga kabataan o komunidad ang nakikipag-ugnay at pwedeng makakuha ng legal advice at suporta para sa kanilang multa ang iba binabaliwala lang, "kwento ni TIffany Overall.

Sabi ni overall, isa lang sya sa maraming mga legal professionals na nababahala dahil sa komplikado ang appeal system sa Victoria. Sana nga daw suriing muli ng Fines Victoria ang proseso para sa mas patas na sistema, lalo karamihan sa mga may multa ay silang mga walang permanenteng tirahan o palaboy.

"Karamihan sa mga namultahan ay silang mga homeless at yong mga lumayas dahil sa family violence, lalo na noong unang nag-lockdown."

Inamin naman ng mga pulis sa Victoria na pwede humingi ng extension at mode of payments para makabayad sa multa kailangan lang tumawag sa Fines Victoria. Pero nagbabala  ang mga otoridad hindi nawawala ang multa kapag hindi nababayaran.

Sa New South Wales pinakamalaking multa na naipataw dahil sa paglabag ng Coronavirus public health order  ay $11,0000 o anim na buwang pagkabilanggo. At kailangang bayaran ito sa loob ng tatlong linggo, pwede ding umapela sa korte.

Dagdag pa ng isang Criminal Defence Lawyer na si Mariecar Capili, dadaan sa internal review kung aapela pero pwede din na dumiretos sa korte.

"Sa ganitong pagkakataon, ang multa ay hindi lang simpleng multa, dahil pupunta ka sa korte at depende na sa magistrate kung ano ang parusa. may posibilidad na multa lang sya pero  pwede din may criminal conviction."

 

Ayon sa Revenue New South Wales umabot sa $12,000 ang  multa ba kanilang  hinihintay na mabayaran  simula  Marso 2020 hanggang Marso 2021 dahil lang sa hindi pagsusuot ng masks at mayroong karagdagang bayad pa silang hindi agad nakakabayad sa due date.

Dagdag naman ni Ms. Capili maraming tumatawag sa kanilang opisina para humingi ng legal assistance tungkol sa kanilang multa.

" Sa ngayon maraming kliyente ang humihingi nga saklolo mula sa Liverpool at Fairfield local government areas, may taga Parramatta at taga  Hornsby." 

Maraming mga First Nations o katutubo sa Australia ang namultahan. Kaya umangal ang Chief Executive ng  Victorian Aboriginal Legal Service na si George Selvansera,  dahil umabot sa tag-$1700 ang multa na ipinataw sa maraming kabataang katutubo at malaki ito kumpara sa kanilang linguhang sahud.

"Maraming naghihikahos sa buhay na katutubo at ang halaga ng multa na kanilang binabayaran ay sobra kompara sa kung ano lang ang kanilang kita,"saad ni Selvansera.

Lumalabas din sa datos ng victorian crime simula buwan ng Abril 2020 hanggang Marso 2021, limang porsyento sa mga lumabag sa Coronavirus public health orders ay kabilang sa Indigenous People o First Nations. Karamihan sa kanila ay nasa edad na 25 hanggang 35 taong gulang.

Kaya gustong malaman ni Selvansera kung paano pinagdesisyonan ang pagmulta at kung may exemption ba silang mga katutubo.

"Ang malaking hamon dito ay walang umaamin kung sino sa kanila ang napatawan ng multa."

Maraming kabataan sa buong bansa ang nalalagay sa alanganing sitwasyon ngayong may pandemya, nariyan ang walang bakuna, maraming napatawan ng multa ngayong may pandemya, marami din sa kanila ang nawalan ng trabaho.

Para matugunan ang pangangailangan at suporta tungkol sa Covid-19 sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Milyong dolyar na halagang multa dahil sa paglabag sa Covid-19 public health order, hirap mabayaran 21/09/2021 07:04 ...
'Sound of Christmas from Asia Pacific': Ipinagdiriwang ang iba't ibang kultura ng Australia 06/12/2021 12:53 ...
Parents weigh their decision on getting their younger kids vaccinated 06/12/2021 09:00 ...
Mga balita ngayong ika-6 ng Disyembre 06/12/2021 15:01 ...
'I feel a sense of achievement': Pagboboluntaryo ng isang Pilipinong estudyante sa Sydney 05/12/2021 11:22 ...
Mga balita ngayong ika-5 ng Disyembre 05/12/2021 07:26 ...
Mga balita ngayong ika-4 ng Disyembre 04/12/2021 05:02 ...
Department of Health binabantayan ang mga dumarating sa bansa sa Omicron Variant 03/12/2021 07:56 ...
Ambassador de la Vega ibinahagi ang Philippine Christmas experience sa mag-aaral sa Canberra 03/12/2021 13:33 ...
Bilang ng namamatay sa kanser bumaba 03/12/2021 07:52 ...
View More