Coming Up Fri 10:00 AM  AEDT
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio

NSW Premier Berejiklian nagisa sa parliamentary inquiry tungkol sa lockdown sa Sydney

SYDNEY, AUSTRALIA - SEPTEMBER 13: NSW Premier Gladys Berejiklian addresses the media on September 13, 2021 in Sydney, Australia. Source: Getty Images AsiaPac/ Brendon Thorne - Pool

Ginisa si New South Wales Premier Gladys Berejiklian sa ginawang parliamentary inquiry kung saan paulit-ulit tinanong kung bakit mabagal ang pagpapatupad ng lockdown sa Sydney; ilang timeline din sa insidente ang sinuri, pero giit nito batayan nila ang heath advise ng mga eksperto.

Binatikos si Premier Gladys Berejiklian sa kanyang ginawang aksyon bago pa ipinatupad ang lockdown sa buong Greater Sydney noong Hunyo 26. Sa araw na iyon, dalawang beses nagsagawa ng press conference ang Premier, para palawigin ang lockdown mula Greater Sydney, Blue Mountains, Central Coast at Wollongong.

Ayon sa ginawang parliamentary inquiry, bigo ang mga ito para matukoy ang tinawag na mga super-spreader ng virus mula sa birthday party sa Hoxton Park na nangyari noong Hunyo 19. Pati pagtunton ng mga contact tracers ang lahat ng mga umatend sa party.

Nagsimula ang Delta outbreak sa Sydney noong  Hunyo 16 matapos nagpositibo ang isang unvaccinated  limousine  driver na nagsakay ng crew ng FedEx freight plane mula US, habang walang suot na mask.


 

Highlights

  • NSW governement binatikos dahil sa bagal na pagpapatupad ng lockdown sa Sydney at buong estado noong Hunyo
  • Delta variant nagsimulang madiskubre sa Sydney noong nagsakay ng isang crew ng FedEx freight plane mula US ang isang unvaccinated limousine driver habang walang suot na mask
  • Buong Yass Valley Council sasailalim sa dalawang linggong lockdown simula Setyembre 14

Journalist: "Ano ang time frame sa birthday party sa West Hoxton , bago nag deklara ng statewide lockdown noong Hunyo 26?

Gladys Berejiklian: "Umaksyon kami agad, kasama ng mga Health experts. Alam ko maraming may opinyon  at nirerespeto ko yon basta ang importante ginawa namin ang lahat na dapat batay sa abiso ng mga public health experts."

Ayon naman kay  New South Wales Opposition leader, Chris Minns walang short cut para mapigil agad  ang pagkalat ng virus, pero makakatulong kung may alam ang buong estado.

Kaya di ito pabor sa pagtigil ng araw-araw na COVID-19 news conference.    

" Ang buong mundo ay nangangapa sa paglaban dito sa virus, kaya kahit dito sa Australia tanggap na hindi perfect ang pagpigil sa pagkalat ng virus ang importante dito bukas ang komunikasyon ng gobyerno at may transparensiya sa mga tao," sabi ni Minns.

Noong Biyernes, Setyembre 10, sinabi na ni Premier Berejiklian na tatapusin nila ang pagbibigay ng pang-araw araw na Covid update.

Ngayon, sinabi nito na hindi na regular na alas 11  ng umaga gagawin ang kanilang update.

Kahapon pumalo sa  1,257  ang naitalang kaso ng virus sa buong estado at pito naman ang namatay. Ikinababahala naman ng otoridad ngayon ang pagdami ng nahahawaan sa mga lugar sa inner city gaya ng Glebe, Redfern, pati na sa Central Coast at Wollongong. Kabilang din dito ang ilang lugar sa kanlurang bahagi ng estado  gaya ng Broken Hill at Wilcannia.

Kaya ang Yass Valley Council, ay isasailalim ng dalawang linggong snap lockdown mula ngayong araw dahil may kaso na ng virus sa kanilang komunidad.

Sinabi naman ni NSW Labor's health spokesman Ryan Park, malalagay sa peligro ang health system ang estado lalo pa’t tinatayang dadagsa ang maraming pasyente sa ICU at ospital.

"Malaking dagok na haharapin ng ating Health System ito, lalo na nilang mga frontliners pati mga paramedics na nasa ambulansya na sila yong frontline sa pandemya. Malaking pressure sa ito, sana makaya ng lahat,"sabi ni Park.

Tugon naman ni Premier Berejiklian nakahanda na ang buong pwersa ng NSW Health at para masegurong kakayanin  ang posibleng pagdagsa ng pasyente, dadagdagan nila ang intensive care beds mula 500 hanggang 1,550 beds.

Sa datos kahapon, umabot sa 222  katao ang nasa I-C-U at 94 naman ang nangangailangan ng ventilators para makahinga ng maayos.

Ang  ACT ay nakapagtala naman ng panibagong 13 kaso , kung saan 7 ang may kaugnayan sa kasalukuyang outbreak 6 naman ang patuloy na iniimbestigahan.

Habang nakapagtala naman ng pinakamataas na daily case ang Victoria na umabot sa 473 na kaso. Binatikos din ng oposisyon ang usad pagong na pagbabakuna sa mga bata, kumpara sa maraming  bansa.

Kaya simula na kahapon, bukas na ang booking para sa bakuna  ng Pfizer para sa may edad dose pataas, habang sa susunod na Lunes na Setyembre 20 magsisimula na ang pagbabakuna sa gamot na Moderna.

Pero may patutsada naman si Labor's health spokesman Mark Butler sa gobyerno kung bakit ngayon lang sinimulan ito na pwede naman sanang sinimulan noon pa kagaya ng maraming first world countries.

"May karapatan sumbatan ng mga Australians si Prime Minister Scott Morrison, kung bakit ngayon lang bakunahan ang mga may edad 12 anyos pataas na sa ibang bansa ilang buwan na silang gumawa nito gaya ng US at Canada."

Para sa karagdagang impormasyon, at kung paano tugunan ang Covid-19 sa inyong wika, bisitahin ang  sbs.com.au/coronavirus

 

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
NSW Premier Berejiklian nagisa sa parliamentary inquiry tungkol sa lockdown sa Sydney 14/09/2021 08:00 ...
Australyano nakakaranas ng lubhang stress 09/12/2021 05:01 ...
Is crypto worth investing? 09/12/2021 07:14 ...
Mga balita ngayong ika 9 ng Disyembre 09/12/2021 13:52 ...
What is Cryptocurrency and should you invest in it? 09/12/2021 11:04 ...
A 'Berry' Merry Christmas Tree 08/12/2021 13:16 ...
Australia magsasagawa ng diplomatic boycott sa 2022 Winter Olympics sa Beijing 08/12/2021 01:53 ...
Provisional approval para sa Pfizer vaccine sa mga bata 5-11 taong gulang 08/12/2021 10:02 ...
Mga balita ngayong ika-8 ng Disyembre 08/12/2021 09:13 ...
How do you overcome FOHPO or Fear of Having People Over after the lockdowns? 08/12/2021 04:32 ...
View More