Sa episode na ito ng #MayPERAan, ibabahagi sa atin ng finance journalist na si Michelle Baltazar ang mga tips kung papaano maitatawid ang mga gastusin sa panahon ng kagipitan at kung may ibang paraan ba bukod sa panghihiram ng pera.
Abangan ang 'May PERAan' tuwing Martes. Ito ang podcast series kung saan sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.
Kung may nais kayong itanong kaugnay sa pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.