Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
MAY PERAAN

Paano ka makakaipon ng pera kung wala kang permanenteng trabaho?

Are side hustles your main source of income? Source: AAP

Paano ka nga ba makakaipon ng pera kung wala kang permanenteng trabaho? Posible bang magkaroon ng malaking ipon kung walang kasiguraduhan ang kita mo? Yan ang #MayPeraan question na sasagutin ng finance journalist na si Michelle Baltazar.

 Mas mahirap mag-ipon kung walang kasiguraduhan ang iyong trabaho; ngunit ayon kay Michelle Baltazar, may maaari kang gawin upang makasiguro na mas marami kang pera sa bangko.


Highlights

  • Magkaroon ng intensyon na mag-ipon.
  • Palawakin ang iyong network.
  • Bayaran mo muna ang iyong sarili.

1. Magkaroon ng intensyon na mag-ipon.

Upang maka-ipon ng mas malaki, kailangan mong magtipid. Bawasan ang paggastos.

Pag-isipan din kong kailangan mong kumuha ng insurance bilang isang self-employed worker. Malaki ang iyong kailangang ilabas na pera para dito, ngunit bibigyan ka nito ng kasiguraduhan kung may mangyari sa iyo at di ka makapagtrabaho.

2. Palawakin ang iyong network.

Dahil maraming di kasiguraduhan sa raket, mainam na makipag-ugnayan sa iyong komunidad.

"Filipinos - especially those who have been living in Australia for a while - are more than willing to help those looking for work."

3. Bayaran mo muna ang iyong sarili.

Sa Australya lamang mayroong superannuation; at habang automatic ang pagkaltas nito sa suweldo ng permanenteng manggagawa, responsable ang mga self-employed para sa kanilang sarili pagdating dito.

Saad ni Michelle na dapat bayaran muna ng mga self-employed ang kanilang sarili bago nila tuunan ang mga bayarin.

BASAHIN / PAKINGGAN DIN

 

Ang 'May PERAan' ang pinakabagong podcast series ng SBS Filipino. Abangan tuwing Martes, sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.

 

Kung may nais kayong itanong kaugnay sa  pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page.

 

 

 

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.

 

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Follow us on Facebook for more stories

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Paano ka makakaipon ng pera kung wala kang permanenteng trabaho? 12/05/2021 11:14 ...
Sakop nga ba ng insurance ang mga sinira ng daga sa iyong bahay? 21/06/2022 07:59 ...
Responsibilidad ba ng landlord ang problema sa mould o amag sa inuupahan kong bahay? 07/06/2022 07:28 ...
May habol ba ako sa ari-arian ng pumanaw kong asawa kung wala siyang iniwan na will? 31/05/2022 12:01 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Saan aabot ang $250 Cost of Living Payment mula sa pamahalaan? 17/05/2022 07:36 ...
Paano ba makakahabol ang aking budget sa nararanasang inflation? 10/05/2022 10:09 ...
Mainam bang pag-isahin ang aking personal at business loan? 03/05/2022 09:39 ...
Paano mag-set up ng sariling superfund kung cash ang binabayad sayo ng iyong employer? 19/04/2022 07:56 ...
Paano ang hatian ng ari-arian kapag naghiwalay ang mag-asawa? 12/04/2022 10:47 ...
View More