Coming Up Wed 10:00 AM  AEST
Coming Up Live in 
Live
Filipino radio
MAY PERAAN

Paano kumawala sa credit card utang?

Is insurmountable debt causing you stress? Source: Mikhail Nilov from Pexels

Posible pa bang mapababa ang interes sa utang sa credit card? May iba pa bang paraan para mabawasan ang mabigat na bayarin o utang? Yan ang #MayPeraan question na sasagutin ng finance expert na si Maria Papa.

 
 
Maaari po bang mapababa ang aking utang sa credit card? Ano ang mga maari kong gawin para mabawasan ang pabigat sa aking mga bayarin?-Linda

Kumusta po?
Matapos mawalan ng trabaho ng mga anim na buwan last year, hindi ko na namalayan na umabot na po ang utang ko sa credit card sa $15,000.

Bukod sa credit card bill, may mga nahiraman din po akong mga kaibigan at kamag-anak na suma tutal ay nasa $5,000.

Bagamat nagpapasalamat naman po ako na muling nakahanap ng trabaho at full-time na rin bilang manager sa isang logistics firm sa NSW, ngayon palang ako dahan-dahang makakabawi.

 

Ayon sa Finance broker na si Maria Papa, bahagi ng buhay ang utang, mas lalo na sa panahon ng pandemya o sa pagkawala ng trabaho. Ngunit, hindi ibig sabihin nito na kailangang habambuhay ka na lang magbabayad ng utang. May mga paraan upang mapababa ang iyong mga interes at loan upang mabayaran mo ang iyong credit card.
 

Highlights
 
  • Humingi ng mas mababang interest rate
  • Magtanong tungkol sa balance transfer
  • Ilipat ang iyong credit card bills sa isang personal loan

 

1. Humingi ng mas mababang interest rate

Walang masamang magtanong. Tanungin ang iyong banko kung ano ang support na maaari nilang ibigay sa iyo.
 
Tandaan na ang malaking bahagi ng iyong utang ay ang interes. Habang tumatagal, lumalaki ito at maapektuhan nito ang iyong credit report.

2. Balance transfer

Ayon kay Ms Maria Papa, maaari mong ilipat ang iyong balanse sa isang panibagong credit card na wala pang interes ng 24-30 na buwan. Siguraduhing magbayad kada buwan bago magsimulang tumakbo ng interst fees.

3. Ilipat credit card bills sa isang personal loan

Mapipilitan kang umayon sa mga terms ng iyong loan at magbayad ng monthly repayments, di gaya ng credit card na mininum repayments kada buwan lamang ang hinihingi.

Para sa libreng konsultasyon at payo mula sa lisensyadong financial counsellors, maaaring tumawag sa National Debt Helpline sa 1800 007 007.


BASAHIN/PAKINGGAN DIN

Ang 'May PERAan' ang pinakabagong podcast series ng SBS Filipino. Abangan tuwing Martes, sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.

Kung may nais kayong itanong kaugnay sa  pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page .

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Follow us on Facebook for more stories

Coming up next

# TITLE RELEASED TIME MORE
Paano kumawala sa credit card utang? 05/05/2021 12:08 ...
Sakop nga ba ng insurance ang mga sinira ng daga sa iyong bahay? 21/06/2022 07:59 ...
Responsibilidad ba ng landlord ang problema sa mould o amag sa inuupahan kong bahay? 07/06/2022 07:28 ...
May habol ba ako sa ari-arian ng pumanaw kong asawa kung wala siyang iniwan na will? 31/05/2022 12:01 ...
Maaari ba akong umapela sa aking landlord kapag nagtaas sila ng renta sa bahay? 24/05/2022 11:00 ...
Saan aabot ang $250 Cost of Living Payment mula sa pamahalaan? 17/05/2022 07:36 ...
Paano ba makakahabol ang aking budget sa nararanasang inflation? 10/05/2022 10:09 ...
Mainam bang pag-isahin ang aking personal at business loan? 03/05/2022 09:39 ...
Paano mag-set up ng sariling superfund kung cash ang binabayad sayo ng iyong employer? 19/04/2022 07:56 ...
Paano ang hatian ng ari-arian kapag naghiwalay ang mag-asawa? 12/04/2022 10:47 ...
View More