Sa episode na ito ng #MayPERAan, magbibigay ng payo ang accountant at tax agent na si Cherry Dimapilis ukol sa kung papaano magset-up ng sarili mong superfund kung cash ang bayad sa iyo ng iyong employer.
Abangan tuwing Martes ang podcast series na May PERAan kung saan sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.
Kung may nais kayong itanong kaugnay sa pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.